Chapter 21

2.6K 63 20
                                    

"Puso mo pala yung hawak ko..."

 



"Oo ^____________^"

 

 
"Akala ko kasi basura"



Imbes na siya ang magulat sa surprise ko, ako pa ata ang nagulat sa mga pinagsasabi niya. Aba mantakin mo, saang lupalop ng Pilipinas niya nadampot ang banat na  yun? Damang dama ko eh. Tagos pa nga sa puso ko.  Seryoso siyang nakatingin sa kin na para hinihintay ng umiyak ako. Ha! Mukha niyang nakakatakot! Ako iiyak? Pwe! -______________-++


Bigla siyang ngumiti at tumawa ng mahina. Tawang nang aasar. Halatang tuwang tuwa siya sa walang pakundangan niyang pangbabara sa kin. Tiningnan ko lang siya. Ilang beses akong pumikit at dumilat pero masayang masaya talaga siya. Pucha!


"Sige tumawa ka lang. Ikaw tong may kasalanan tapos tatawa tawa ka diyan. Tsk!"


"Ano namang kasalanan ko sayo? Yung pagsama ko kay Aldred?"


"Palusot pa! Oo yun nga! Asawa mo na nga ko eh. Andito na nga ko nakatira sa tapat ng bahay mo eh. Tapos ikaw nagsisimba kuno kasama yung kuko na yun. You're being unfair."


"Hindi ako sumasama kung kani-kanino. Alam mo yun. At asawa ka diyan!"


"Eh bakit magkasama kayo?"



Hindi siya nagsalita. Hindi siya sumagot. Iniwas niya yung tingin niya sa kin kaya naasar ako lalo. Lie. Lie some more, Yela. Magsinungaling ka pa para hindi ako masyadong naguiguilty pag iniisip kong masasaktan kita sa huli. Maging masama ka rin para maging quits tayo. Tsk!

"Now what? Ayaw mo pa ring magsalita? Fine."


"Hindi mo na ko tatanungin? Hindi ka na nagagalit?"


"So what kung nagagalit ako? Does it even matter to you? You dont even care even a little bit sa feelings ko. Ganyan ka naman eh. Pag ako ang nasasaktan, wala kang pakialam. So why bother, Yela?"


Yung mukha niyang kaninang natutuwa, nagbago. Poker face, natural! Kaya mas lalo akong naasar, nainis at nagalit kaya umalis na ko sa harapan niya. Hindi ako pumasok sa bahay ko. Naglakad ako papuntang kung saan man basta malayo sa kanya.  Siya na talaga ang pinakabato at pinakaweird sa lahat ng nakilala ko. Napakainsensitive niyang babae. That's why I don't like her. Hindi siya marunong mag appreciate. Kahit magkunwari man lang! Fvck that.

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon