Chapter 20

2.2K 51 27

"Nakikita niyo ba yan? Yan ang bintana ko!"


"Oh ngayon?"




"Eh yang katapat na bintana, nakikita niyo? Yan ang bintana ni Yela!"



"ANOOOOOOO?!?!"


"Walanghiya pare! Iba na talaga yan!"




"HAHAHAHAHAH!"

Andito ako ngayon sa bago kong hideout kasama ang barkada. Hindi ko akalaing ganito pala ako katalino at naisip kong bumili ng bahay sa tapat ng bahay nila Yela. Ang sarap kaladkarin nung Aldred na yun at ipamuka kung sino na ang mas malapit na bahay sa min.



Siguradong ikagugulat  ng pagkatao ni Yela pag nakita niya ang gwapo kong pagmumukha na nag aantay sa kanya ngayon. Mas lalo akong makakascore dahil hindi niya na maiiwasan ang pagkukrus ng mga landas namin. Wag nga lang sana dumamoves yung kapatid niya pati ang mga kampon nito dahil yun ang ikasisira ng buhay ko -________________-++

"Ken, pang-ilang plano mo na to pero ngayon nakakaramdam ako ng tagumpay"



"Oo nga bro masyadong hard core na to oh"



"Total naman malakas yung loob mo na tumira sa tapat ng bahay nila, sana nakitira ka na lang diyan kay Eerie Girl...medyo nahiya ka pa ata eh haha"

"Relax lang mga tol. Dadating din tayo diyan. Ang kailangan niyo lang gawin ngayon ay mag antay ng pagkapanalo ko at sumibat na kayo kasi parating na si Eerie Girl at gusto kong makita ang gulat na gulat niyang mukha"



"Sabi mo eh"



"Goodluck dude!"


Pinaharurot na nila Ryan yung sasakyan at umalis na. Ako naman umupo sa may sidewalk sa tapat ng gate ko at inantay si Eerie Girl. Ewan ko kung saan siya pumunta ngayon eh linggo naman at walang pasok at napakaunusual din pag umaalis siya.


Nalaro ko na lahat ng games sa cellphone ko. Nagamit ko na lahat ng features ng instagram. Napanis na ko dito. Pinapak ng lamok pero wala pa rin akong negative energies na nababavibes. Saan kayang lupalop sumuot yung babaeng yun at gabi na eh hindi pa nauwi? Given nga na kampon ng dilim yung kapatid niya pero kelangan pati ba siya kasama? Baka sumali na sa kulto yun ah!

My Eerie GirlBasahin ang storyang ito ng LIBRE!