Chapter 5

3.5K 75 5
                                    

"Oh bro, kamusta lakad kagabi?" Pagpasok ko pa lang ng classroom mukha na silang mga asong nakabuntot agad sa kin at umaasa sa magandang balita. Buti nga harap harapan lang akong pinalayas ni Yela. Akala ko uuwi na kong may butas ang leeg o wakwak ang tiyan eh.

"Nakascore na ba?" Masayang tanong ni Justin pero bakas sa mukha ko na wala akong napala at muntik lang mabalian ng buto. Nagtawanan ang barkada. Kung alam lang nila na wala namang nangyari kagabi. Muntik lang akong mamatay kung din ako iniwas ni Eerie Girl.

~Flashback~

"Umuwi ka na Ken. Baka mapahamak ka pa lalo." Kalmado pero puno ng conviction niyang pagsasalita. Kung di siguro siya nakauniform at kung di ko siya kilala malamang di ko aakalain na magkasing edad lang kami at malamang wala ako sa awkward situation na to. Pinagtutulakan ako ng hindi man lang napikit ng weirdong to.

"Ha...ha? Pinapauwi mo na agad ako? Hindi pa nga tayo nag-uusap ng matagal?"

Umarte na lang ako na parang wala lag sa kin at gusto ko siyang maging kaibigan kahit wala naman talagang any convincing traits akong nakikita sa kanya. Kapit patalim para manalo.

"Bakit ba gusto mo kong kausapin?" This time around humarap siya sa kin pero di ko pa rin makita yung mga mata niya. Masyadong mahaba yung bangs niya. Di kaya natutusok na yung mga mata niya ng bangs niya?

"Nakikipagfriends lang. Kwentuhan." Ngumiti ako sa kanya, yung tipong malalaglag yung panty niya. Mahiyain lang siguro siya o kaya naman naiilang lang siya kasi you know, new environment, new people.

"Wala akong makwekwento sayo." Pinulot niya na yung back pack niya at nagsisimula ng maglakad palayo dahil obviously ayaw niya kong kausap. Wala siyang gustong kausap. "Edi ihahatid na lang kita." Yun na lang. Siguro naman di masyadong malayo ang bahay nila kasi naglalakad lang siya eh.

"Wag!" Di ko alam pero parang natakot siya sa sinabi ko. Hindi ba dapat ako ang matakot dahil pupunta ako sa teritoryo niya? Kung sakaling saksakin niya ko oor kagatin, wala akong magagawa.

"Huh? Bakit naman?"

"Wa...wala kasi yung parents ko diyan sa bahay"

"Oh di mas masaya. Atleast walang kokontra kahit matagal tayong magkwentuhan"

"Hindi pwede!"

"Bakit na naman?"

"Kasi....wa...walang pagkain sa bahay. Hindi pa naggrogrocery yung Mommy ko eh"

"Hindi naman ako gutom eh. Tara na!"

"Di...Diyan ka lang!  Wag kang susunod sa kin. Please umalis ka na lang"

~End of Flashback~

Tapus yun naglakad na siya paalis pagkatapos niyang sabihin sa kin na wala ang parents niya at wala silang pagkain. Sowssss, palusot -____________-

"Hoy Ken, ano na nga?" -Marco

"Wala. Hanggang subdivision lang nila ako. Ni hindi ko nga nakita yugn gate ng bahay nila." -Ken

"Bakit? Naduwag ka na naman?!" -Ryan

'Anong naduwag? Hindi no. Nahuli lang niya ko na sinusundan siya tssss"- Ken

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now