Chapter 38

1.9K 46 7
                                    

Chapter 38

Umaga na at kahit labag sa kalooban namin eh sabay sabay kaming pumasok sa school na tatlo.  Kung hindi lang talaga nagsisigaw si Yela, hindi rin ako mapapabangon. Sobrang puyat ako at nararamdaman ko na sobrang bigat ng mga mata ko. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil bukod sa siksikan kami sa kama eh nag aagawan pa kami ng kumot sa magkabilang dulo ni Aldred. At bwisit na bwisit naman si Yela at pilit na pinagtutulak kami tuwing yayakap kami sa kanya tuwing makakarinig kami ng ingay at unti unting napaparanoid sa mga nagaganap sa paligid. Feeling  ko kasi any minute eh lilitaw yung Angela na yun at yung mga mga iba pa niyang nilalang.

Pagdating namin sa room ay pakiramdam ko natutusok ako ng mga matang nakatingin sa min. Unti unti akong nakarinig ng mga bulungan. Sabihin man o hindi alam ko naman kami ang pinag uusapan dahil napaka unusual nga naman nag pagsamahin ang mag ex at magdagdag pa ng isang asungot na nagmukha tuloy  na may kasama pa kaming third party. Pero bumalik din naman sila s anormal at naglaro ulit  ng  Pinoy Henyo. Kacornihan.

“Ken, nakausap mo na ba? Ano napapayag mo bang maging prom date mo?”

“Prom date? Teka eh diba magsosorry lang ako?”

“Bumawi ka naman! Ano yung sorry lang? Engot nito! Dali na!”

Tiningnan ko si Yela mukang wala naman siyang pake sa paligid at muka namang di niya alam na may Prom at mas mukang mahirap na mapapayag siya ng maging prom date kesa mag sorry sa kanya. Sa lahat ng weird, siya pinakamahirap pilitin.

“Ano?” singhal niya bigla habang papahinga ako ng malalim. Muntik ko ng mahinga yung yung hininga niyang umaapoy ata sa inis.

“May partner ka na ba sa prom? Tayo na lang!” confident ko namang sabi. Tinaasan lang ako ng kilay na para bang ineestimate niya kung gaano kakapal ang mukha ko at kung gaano ako kaseryoso sa mga pinagsasabi ko.

“Ayoko. Di ako pupunta. Si Cindy na lang. Mukang inaantay ka na oh.” Automatic naman akong napatingin kay Cindy na kumindat agad sa kin.Medyo tumayo ang ablahibo ko sa babaeng yun. Hayop sa landi!

Ang hirap. Ang hirap hirap manuyo ng babaeng nasaktan. Ang hirap humiling ng tiwala. Ang sakit pag tinatanggihan. Wala naman akong magawa kundi suyuin siya. Aluhin siya. Tiisin ang lahat ng pagtataray at pang iisnob niya dahil pagbalibaliktarin man ang mundo nasa kanya ang lahat ng karapatan para magalit at magtampo.

Humarap na lang ulit ako sa board at tinitingnan yung mga classmates namin habang nagmumukha na silang mga baliw kakatawa. At dahil mataba ang utak ko may naisip ako.  Siya ang tipo ng babae na mahilig sa challenge, sa deal, sa panalo. So better yet, try my luck.

“Yela, laro tayo. May pusta!” nakangiti kong sabi. Tumingin naman siya sakin tsaka tinanggal yung earphones niya sa tenga.

“Pusta? Anong klaseng pusta?” interesado siya. May chance. May 0.01% chance na mauto ko siya.

“Pag nanalo ka, aalis na ko sa buhay mo at di na kita guguluhin kahit kelan. Pero pag ako ang nanalo, magiging prom date kita at bibigyan mo ko ng chance para makabawi sayo.” Nakikita ko ang apoy sa mga mata niya. Papayag na yan! Papapayag na yan!

“Call! Anong gagawin?” Tinuro ko yung mga nagpi Pinoy Henyo at automatic namang lumabas ang smirk niya. Alam kong iniisip nito pero di ako magpapatalo!

Nagshake hands kaming dalawa na parang nakapagsara ng drug deal. Tumayo na kami at pumunta sa harap. Pakiramdam ko napapaligiran kami ng apoy at may instant astig background music pa habang naglalakad.  Tumabi naman ang mga tao at nag give way sa min. Nagtinginan kami ulit pagdating platform. Ako ang mananalo! Kailangan kong manalo!

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon