Agad naman akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng kwartong to pero nakahawak palang ako ng doorknob bigla namang nagsalita tong boss namin.

"Siguradohin mo lang na pupunta at magbigay ng statement yung babaeng yun bukas ng umaga"

"Uh Boss may klase siya"

"Hanapan mo ng paraan!"

Kung di lang talaga nakakabakla tignan ay kanina pa umikot tong mga mata ko.

Tumango nalang ako, nag bow at umalis.

Pagbaba ko dumiretso na ako sa lamesa ko.

"Oh anong balita?"

Nilingon ko si Joe

"Pinapunta dito si Alice"

"Yun pala yung Alice na sinasabi mo?"

"uhm oh.. bakit?"

"Wala"

Tumahimik naman siya at humarap sa computer niya kaya naman ako ay humarap nadin.

Bakit kaya ganito nalang lage kong set up? di ko naman mahuhuli si Red kung ganito di ko rin naman mahuhuli si Red kung harap harapan kaming mag kikita.

Alice..

Bakit kaya siya nandon?

Sabi niya inutusan lang siya? sino naman nag utos sakanya? buti nalang talaga hindi ako huli na dumating kung hindi baka patay na si Alice.

Yung Alice na kasama ko kanina ay yung Alice na nakita ko sa video pero bakit pakiramdam ko parang nakasama ko na siyang lumaban noon?

Bahala na nga bukas ko na malalaman

Alice's POV

"Bakit ka ba andito? at san mo nalaman tong lugar ko?" sabay tingin ng masama dito kay Belle.

Naliligo lang ako di ko na alam na andito na pala to, habang nag bibihis ako parang may naramdaman akong di lang ako nag iisa kaya nilibot ko tong bahay at nakita ko tong isa to.

"Sabi ko naman sayo na nakakatamad mag isa"

"Edi umuwi ka nalang kaysa nakakadagdag ka pa ng problema sakin"

"Red naman I mean Alice, alam mo namang may rason ako kaya umuwi ako, as if naman uuwi ako dito ng walang rason kung pwede lang umuwi edi sana di na ako nag punta pa dito duh!"

"Aba"

"Papagalitan nga kasi ako ang tigas naman ng bungo mo dito nalang kasi ako"

"Wala kang matutulogan"

"Edi tabi tayo"

"Fvck you Belle"

"Ano suntokan nalang pag nanalo ka di ako dito matutulog pag nanalo ako syempre dito ako titira".

Umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Pagod ako Belle nakita mo to?" pakita sakanya yung nakabandage na tama ng bala sakin

"Ano yan!?"

"nakipag bakbakan lang naman ako sa mga armadong lalaki salamat sa dati mong boss, ge matutulog na ako bahala ka na sa gagawin mo!"

Pumasok na ako sa kwarto ko ng akmang akong matutulog narinig kong may kausap si Belle sumbongera talagang babae to kaya ayaw ko siyang andito eh dahil alam kong lahat ng kabaliwan ko eh susumbong, kung di lang talaga ako pagod di ako mag dadalawang isip na makipag away sa kanya para lang di siya dito titira sakin.

Belle's POV

"Sabihin mo si Wolf na uulitin niya pa ito at talagang magpaalam na siya sa mundong to bullshit"

Binaba ko na yung tawag ang ingay ng tatay ko pag nagagalit at nang utos pa kung siya nalang kaya ang nagsabi diba?!

Kahit ako magagalit sa ginawa niya kay Alice aba kung ano nalang kaya ang nangyari sakanya papanugatan ba ito ni Wolf?! hindi diba?.

Si Alice ang bunso namin kaya ganon nalang kung makareact ang tatay ko at ako pano nalang kaya kung ang mga magulang ni Alice ang makabalita nito? wala ng banta banta siguro mabalitaan nalang siguro namin na si The Great Wolf ay patay na..

Tinagawan ko si Wolf

"Oh napatawag ka?"

"Nag tanong ka pa ha?! kung ano ano nalang binibigay mong kabaliwan kay Alice Wolf ano ba!"

"Aba malay ko bang ganon sila karami at armado"

"yeah right!"

"at isa pa di sumunod si Alice sa mga sinabi ko sakanya"

"Ano bang kabaliwan ang sinabi mo sakanya ha?!"

"na wag siyang gumamit ng baril wag siyang pumatay"

"fvck so gusto mo siya ang mamatay ganon ba wolf!?"

"hindi, kaya nga tumawag ako ng pulis diba?!"

"fvck you wolf!"

Binaba ko yung tawag niya dahil mas lalo akong mainis, masisira lang yung beauty ko sakanya nakakainis!

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now