Chapter 2 - The Returns

Start from the beginning
                                    

"Sa tingin mo nagpakita na sila kay slate?" Biglang saad ni Xander sa akin habang nakatutok sa Computer.

Posible kayang....

"Huwag mong sabihing hindi mo pa alam. Sa pagkakaalam ko ikaw ang unang pupuntahan nila"

"Mga walanghiya" Saad ko nalang at tumayo na din. Kailan pa dumating ang mga walanghiyang yun.

>>*<<

Liza's POV

"Uwaaaaahhh!"

"Ano bang gagawin ko sa iyo baby kanina kapa iyak ng iyak gusto mo nang ice cream?" Alok ko kay baby Argus na kanina pang iyak ng iyak

"Uwaaaaahh!"

"Cake?" Tanong ko.

"Uwaaaaaahhhh!"

Ah! Ano bang gagawin ko ayaw niyang dumede ayaw niya ding binubuhat ayaw niyang nalalaro. Ano na?

"Cyrus.." saad ko at agad kinuha yung phone ko saka agad na dinial yung No. niya

"Yes Babe?" Bungad niya

"Uwi kana dali si Argus iyak nang iyak diko na alam gagawin ko. Dalhin na natin siya sa hospital" Saad kong mangiyak ngiyak agad nang pinatay ni Cyrus yung tawag at sa tingin ko papunta na siya dito

"Uwaaaaaaahhhh"

"Tahan na baby malapit na si daddy huwag kanang umiyak" Saad ko saka siya kinarga.

Habang hinihele ko iyak parin siya nang iyak

"Can I?" Napatigil ako nang dumating na ang super hero ko.

"Baby don't cry" Saad niya. Pinadapa niya ito sa kama saka niya nilagyan ng baby Rub saka pinat pat yung Likod ni Argus

Habang busy siya ako naman nakatitig lang. Yung totoo si Cyrus ba to? He's so Manly hindi ko alam kung Dahil ito sa nararamdaman ko pero ang Mature niya tignan mukha siyang totoong daddy.

"BLURRRRRP!" Nakarinig kami nang malakas na dighay

Kinabag siya? Ahaha diko naisip yun ah. Pinagpaatuloy parin si Cyrus sa pag Pat

Nakangiti lang ako habang pinapanood sila nang hindi ko namalayan niyakap na ako ni Cyrus

"Now he's in deep sleep" Saad niya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Thank you" Saad ko nalang hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala siya

"Pfft. I'm your husband hindi mo na kailangang mag thank you. Reaponsibilidad natin siyang dalawa" Saad niya kaya napangiti ako

"Uyyy. Ibalik mo yung babe ko ikaw na alien ka" Saad ko natawa nalang siya.

"Ikaw talaga wala kang kapalya palya sa pagpapasaya sa akin. Ang swerte ko" Saad niya. May lagnat ba to?

"Ang drama natin ha. Kuha kana nang Ice cream babe at napagod ako kay kai" Saad ko at nahiga. Napagod talaga ako ha. Nakakapagod maging mommy pero sulit kapag nakita mo yung baby mong himbibg sa pagtulog. Tapos na ang pagiging teen ager at ngayon madami na akong responsibilidad ang maging asawa at lalo na maging Mommy

"Ubos na yung Stock" Saad niya

"Edi tarang bumili" Saad ko saka agad na tumayo sa kama

"Paano si Argus?" Tanong niya

"Hmmm. Hindi siya pwedeng sumama so maiiwan siya" Saad ko naman

"Then call manang Selly para bantayan siya"

"Okay. Basta bilisan nalang natin" Saad ko saka hinila na siya

Agad na kaming lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse. Sa bahay kasi hindi kami nawawalan ng Ice cream kaya ayun bibili kami ngayon

"Here" Saad niya saka isinuot yung seatbelt na akin. Agad akong napangiti. Sweet naman ng babe ko.

"Thank you" Saad ko

"Ayoko ng thank you eh gusto ko ng kiss at i love you" saad niya saka ngumisi aba. Para paraan din eah haha

Agad ko na siyang hinalikan sa labi pero mabilis lang

"I love you" Saad ko. Aba yung loko ang laki ng ngiti

"Mas mahal pa kita sa mahal" Sumbat naman niya. Hindi na mawala wala yung ngiti ko

Habang nasa biyahe tumahimik na kami

"Babe Pwede bang bili tayong beer mamaya?" Pambabasag niya sa katahimikan

"Mmmmm. Okay pero akin din ha" Saad ko na feel kong gusto ko lang din uminom

"Nah. Nag brebreast feed ka kay Argus no" Saad niya.

*Pout*

"Kahit isa lang?" Tanong ko

"Hindi pwede maiinom yun ni baby"

"Please"

"Bab----" Natigil kaming dalawa nang biglang may humarang sa harapan namin. Isang Itim na kotse

"Sh*t" Saad niya.

Anong nangyayari?

>>*<<

Cyrus's POV

Agad kong hinawakan yung Baril ko.

"Babe jan ka lang" Saad ko saka ako unti unting binuksan yung pintuan nang kotse.

Kung sino kaman patay ka na

Agad akong lumabas may nakita akong lalaki kaya agad ko itong tinutukan ng baril pero tinutukan Niya rin ako.

"Dika parin talaga nagbabago bro" Saad niya kaya napatingin ako.

"WTF!" Sigaw ko at binatukan siya

"Aray makabatok" Saad niya saka hinmas yung batok niya.

"Paano kung naputok ko? What the?! anong kalokohan to?" Saad ko ngumisi siya.

"Pasalamat ako" Saad niya.

"Kailan pa kayo nakabalik mga kumag?" Tanong ko

"Matagal na no nagtago lang kami pfft. Excited na akong mabugbog si Xander. Nga pala si Chester maka sparring nga"

"Daldal mo" saad ko. Nang mapansin kong napatingin siya sa loob nang kotse

"Asawa mo?" Tanong niya agad akong tumango.

"Ganda pre. Asan yung pamangkin ko?" Tanong niya

"Tsk. Huwag mo ngang matawag tawag na pamangkin ko yun walanghiya ka mahahawaan yun" singhal ko

"Aba! Dina nagbago ewan ko sa iyo tsaka huwag kangang mag inarte hahawaan ko yun nga kagwapuhan.Nga pala May sinet na kasiyahan si Edward pfft. Punta daw kayo kung wala kayo Pipilayan namin kayo isa isa" Saad niya saka agad na sumakay na kotse.

"Lol. Papatayin muna kita!" Sigaw ko pero humarurot na yung kotse

"Ano? Ayos kalang? Sino yun? Huwaaaaah!" Bungad ni ng asawa ko pagkapasok ko sa kotse. Napangiti naman ako.

Pagkaupo ko agad niya akong hinawa hawakan na tila bang chinicheck kung may galos ba ako

"Ayos lang ako" Saad ko. Pero hindi siya nakuntento.

"Sino ba yun?" Tanong niya

"Yun? Si Jade kababata namin at after 15 years ngayon lang kami nagkikita kaya ayun" Saad ko.

"Aba. Eh bakit humarang pa sa harap natin?" Tanong niya. Pfft. Kumag talaga yun

"Pfft. Calm Babe Mga sira ulo yun kaya simulan mo nang masanay" Saad ko at patuloy na akong nagmaneho.

Tch.

Kung ano mang binabalak nila. Kailangan namin maging handa

My Cold Husband (Season 2)Where stories live. Discover now