THREE

66.2K 918 5
                                    

Janica POV

Sa mga nakalipas na dalawang linggo wala akong pahinga , mapa-utos dito ang ginagawa nya sa akin, sadyang nag-iba na talaga ang lalaking kilala ko at patuloy ko pa ring minamahal hanggang ngayon , Gaya na lamang ngayon pinag-eencode na naman nya ako at sabi kailangan na nya pero sa pag-kakaalam ko sa susunod pa na linggo kailangan, kahapon naman pinaalis nya sa akin lahat ng kurtina sa opisina na nya kahit meron namang gagawa roon, lalo pang nadagdagan ang inis ko ngayon dahil nariyan na naman ang babaeng boba , akala mo maganda napakapangit naman ,hindi ko na nga alam kung anong ginagawa nila sa private office ni Sir , kanina pa sila naroon mag-dadalawang oras na ata.

Inis na inis ako sa pag-eencode at halos diinan ko na ang keyboard ng computer ng biglang may nag-salita sa aking likuran .

"Kumusta ka na iha?" Napalingon ako at Hindi nya ako nag-kamali dahil kilalang kilala ko ang boses ng Daddy ni Kenjie , bigla akong namutla at pinag-pawisan ng malapot, sa totoo lang nahihiya ako kay Daddy Randolf dahil kahit sa kanila hindi ako nag-paalam.

"Ok lang po Daddy, heto akala ko matatakasan ko na ang bangungot ng aking nakaraan pero bumabalik naman po lahat" hindi ko maiwasang lumuha at humikbi habang unti-unti na namang bumabalik ang lahat ng ala-ala na pilit kong kinalilimutan .

"Iha , alam kong mahirap pero kailangan nyong magpatawad, pareho lang kayong may pag-kakamaling nagawa " payo ng Don.

"Galit ako sa kanya Daddy, pero alam kong mas galit sya sa akin, hindi ko naman sya masisisi dahil umalis ako ng walang paalam at hindi pinakinggan ang kanyang paliwanag"

"Mapapalambot mo ding muli ang puso ng aking anak Iha, Oh paano aalis na muna ako at may business meeting pa ako, hindi alam ng anak ko na nasa Pilipinas din ako ,binisita lamang kita at iyon ang kabilin-bilinan ng mommy Adriana mo " niyakap ko si Daddy ng mahigpit at tuluyan na akong napaupo at napahagulhol at hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat .

(Flashback )

"Kasalanan mo ang lahat ng ito Kenjie, kung hindi mo inuna ang business meeting mo , sana buhay pa ngayon si Baby, sana kasama pa natin sya" umiiyak na wika ni Janica habang sinusuntok ang dibdib ng asawa.

"Hindi ko sinasadya hon, pauwi na ako noon ng harangin ako ng mga armadong lalaki at palabasin ng sasakyan , kinuha ang lahat ng gamit ko, buti na lamang at may nag-magandang loob na tulungan ako " paliwanag nya

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, babae ang kasama mo sabi ng bestfriend ko , Si Em hindi ba highschool pa lamang tayo noon obsessed na sayo yun, kasalanan mo ang lahat ng ito, kasalanan mo" sigaw ni janica dito .

"Kasalanan ko ? Naririnig mo ba ang sarili mo Hon? Isa din ako sa muntik ng mapahamak ng araw na iyon, akala mo ba ikaw lang ang nawalan? Nawalan din naman ako at mas double pa ang sakit dahil walang araw na naiisip ko na sana naroon ako sa mga oras na kailangan mo ako, hindi lang sya ang nawala kahit ikaw parang nawala na sa akin " sumbat ni Kenjie sa asawa .

"Kasalanan mo naman talaga, wala kang nagawa, inuna mo ang iba kesa sa amin" iyak na iyak na wika ni janica.

Mula noon hindi na masaya ang kanilang pag-sasama , laging tulala si janica at lagi namang gabi na umuuwi buhat sa trabaho si Kenjie at kapag tulog na ang asawa saka lamang nya ito pupuntahan sa kwarto at yayakapin .Araw-araw bago pumasok sa trabaho at  pinag-luluto nya ang  asawa at kapag alam nyang gising na ito saka sya aalis at pupunta ng trabaho. Lagi syang binibigyan ng fresh flowers ng asawa at mga regaling mamahalin ngunit sadyang galit ang namayani sa puso ni Janica hanggang sa isang araw ay nag-pasya ang dalagang makipag-kita sa kaibigang si Eric na may gusto sa kanya at pinaunlakan naman nya ito ,kumain sila sa isang mamahaling restaurant at sa wakas ito ang unang araw na tumawa sya buhat ng nawala ang kanyang anak iyon ang tagpong nadatnan ni Kenjie kasama ang business partner nyang si Red. Labis na nasaktan ang huli kaya nag-punta sya ng bar at nag-pakalunod ng alak eksakto namang naroon si Em kasama ang mga kaibigang model at artista kung kaya't kinabukasan sila ang laman ng pahayagan .

"Explain this to me" sabay lapag ni janica sa harap ng kagigising lamang na si Kenjie .

"What's this? " yamot na wika nito

"Basahin mo at ng malaman mo"

"Walang ibang kahulugan ito hon, I was drunk last night and suddenly Em want to kiss me pero umiwas ako " explain nya .

"You cheater!" Sigaw ni janica dito

"I'm not a cheater hon, ikaw lang ang babaeng minahal ko , higit pa sa buhat ko, kaya kita pinakasalan dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko"

"Kitang-kita na ang ebidensya nag-sisinungaling ka pa,,"

" Hindi na kita kilala hon, alam mo bang mula ng iwanan tayo ni Baby nag-bago kana hindi kana ngumingiti, hindi na kita mapatawa at makausap ng matino pero si Eric kahapon mo lang nakausap napatawa kana, ano ba ang dapat kong gawin hon para bumalik ka sa dati? Hirap na hirap na din kasi ako" saad ni Kenjie sa asawa.

"Ibalik mo ang buhay ni baby" saad nya at tuluyan nang tinalikuran ang nakaluhod na asawa.

Lumipas ang araw mas lalo pang lumala ang away ng dalawa at doon na nya nag-pasya si Janica na umalis sa Pilipinas upang makapagsimulang muli at mag-bagong buhay at nang araw din namang iyon naaksidente si Kenjie at nacomatose ng isang linggo at pagkagising nito nalaman nyang iniwan na sya ng asawa at tuluyan na naman syang nalugmok ,nasa bahay na lamang sya at hindi na pumapasok sa trabaho at ang tanging nakakita ng kaaba-aba nyang kalagayan ay ang mga magulang ni Janica kung kaya't dahil sa labis na galit ng mga ito itinakwil nila ang dalaga at pinutol ang lahat ng bank account nito, Muli na namang naaksidente si Kenjie at ito na ang naging dahilan upang tuluyan na syang magising sa katotohanan na hindi lahat ng nag-mamahal ay sinusuklian pabalik kundi iniiwan at hindi pinahahalagahan.

Matapos mag-balik tanaw ni Janica punong-puno ng luha ang kanyang mukha at nahihirapan na syang huminga kaya bumagsak sya sa sahig at nawalan ng Malay.

Billionaire Seductive WifeWhere stories live. Discover now