Chapter 1: Kristan and Lirazel

63 3 0
                                    

Kristan's POV

"I'm s-sorry Master Kristan." nanginginig na sabi ng nakaluhod sa akin ngayon. Masama ang tingin ko sakanya tsaka nagsalita.

"I don't need your sorry. Aanhin ko 'yan?" hinila ko ang siko niya paangat. Nakatayo na siya ngayon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa siko niya. Nakita kong napapikit siya ng mariin.

"May magagawa ba 'yang sorry mo sa nadumihang sapatos ko?" sabi ko at padarag na binitawan ang siko niya.

I saw Miguel and Allain coming towards us. Tinignan ko ng huling beses ang babae at binigyan siya ng masamang tingin.

Tumalikod na ako bago pa magsalita si Miguel. "Hey Kristan! Saan ka pupunta? What happened here?" I heard him calling my name.

Masyadong mabait si Miguel. I know what he's going to do next. And It's going to be boring. Pumunta ako sa Campus Elites' Quarters.

Nadatnan ko doon ang babaeng kinaiinisan ko the most.

"Oh? What happened to you Kris?" I just ignored her. Nilagpasan ko lang si Meghan at pumunta sa office ko. Pumunta ako sa Refrigerator at kumuha ng tubig na maiinom.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng office ko. Hindi ki na nagawa pang lingunin 'yon. I know who just entered the room. Pumunta ako sa table ko at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang phone ko doon at nagdial ng number.

"Hello?" pormal na bati ko sa telepono.

"Hello po? Butler Han Speaking, Sir Kristan"

"Pumunta ka dito sa Xander Academy. I need you to buy me new shoes. Send it now." Then I ended the call.

Ibinulsa ko nalang ang phone ko at lalabas na nang makita si Meghan na naka-upo sa sofa ng aking office.

"A-anong nangyari sapatos m-mo" tanong niya habang palapit ako sa pinto. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Lumayas ka sa office ko." kalmadong sabi ko. Tinignan niya lang ako na para bang ayaw niyang umalis.

"Lumayas ka na." muling sabi ko at nakita ko namang ngunuso siya.

"Ang sama mo talaga." nakangusong sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka binuksan ang pinto.

"Hindi ka pwedeng magstay dito. Is this your office, huh?" nakahalukipkip na sabi ko. Lumabas na ako bago pa mag init ang dugo ko sakanya.

I was about to go to my locker when I bumped into someone.

"What the hell?! Ano bang ginagawa mo?" binigyan ko siya ng nakakainis na tingin. Bwisit na babae!

"Naglalakad." kalmadong saad niya tska ako inirapan. Napahilamos ako sa mukha ko sa inis.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?!" sigaw ko ulit sakanya. Humalukipkip lang siya at nilagpasan ako.

Nilagpasan ako?!

This is unbelievable! Paano niya nagawa sakin 'to?

Lirazel's POV
Nakakainis! Inilipat ako nila mom ng school. Planado na pala lahat! Kanina nung tumawag siya ay planado na. Naghihintay lang ng commnfirmaton ng school namin. Pero kaka-confirm lang kanina ng Principal dahil nakagawa na naman ako ng eksena. Kainis talaga!

May nakabangga pa ako kaninang bwisit!

*flashback*

Bumangon ako dahil nakarinig ako ng ingay. Ano bang araw ngayon?

She's The BossWhere stories live. Discover now