Sakripisyo ni Babae (Dahil Yon ang Tamang Gawin)

2.6K 48 2
                                    


Present day, kung paano nagtapos ang forever...

KAPAG binabasa ni Oman ang text message sa kanya ni Whitney, nade-depress siya. At naiinis sa sarili. Bakit ba kasi umamin pa siya? He had been attracted to Whitney for a very long time, pero nakuha naman niyang itago. Bakit ba nagpadala siya sa emotions niya noong araw na iyon? Dahil ba mas malalim na ang nararamdaman niya?

Hindi kasi siya maka-porma dito dahil bukod sa alam niyang may gusto si Obeng sa kanya, parang naiinis din ito sa kanya. Kaya nang mag-present ang tadhana nang opportunity na mas lalo pa niya itong makasama—iyong gusto nitong tulungan niya ito na maging attractive sa mga mata ng lalaki—sinunggaban na niya agad iyon.

Oman was hoping that he could make her fall for him. And since she seemed to enjoy being with him, he thought she was beginning to have feelings for him, too. Pero 'eto siya ngayon. Ang tanga rin niya, eh. Alam naman niya kasi na ayaw na ayaw ni Whitney na masaktan si Obeng. Alam naman niya na ico-consider nito ang feelings ng kaibigan nito. Alam niyang napaka-espesyal ni Obeng sa mga mata nito, pero umamin pa rin siya. Now he was hurt.

"Pero hindi ako susuko," sabi ni Oman sa sarili. "Kasi ngayong mas malalim na ang nararamdaman ko sa kanya, gusto ko na siyang palaging makasama."

Naisip ni Oman na sabihin kay Whitney na willing siyang maghintay. At plano pa niyang ipa-date si Obeng sa mga kakilala niyang lalaki para maka-get over din ito sa kanya. That way, he would not be ruining their friendship.

Kaya isang Biyernes ng gabi, he tried to look his best and planned to wear his heart on his sleeves.

WHITNEY was sitting on the couch that night, staring at the TV. Hindi niya naiintindihan ang palabas. Ang alam lang niya, nagtaksil iyong asawa ng bidang babae, na tema naman ng halos lahat ng teleserye sa ngayon.

Madalas lumipad ang isip ni Whitney ng mga panahong iyon. She was thinking of Oman. She missed him. Hindi na niya sinagot ang mga text at tawag nito. Nang minsang nabungaran niya ito sa labas ng kompanya noong uwian ay umarte siyang hindi ito napapansin at kumuha agad ng taxi, para hindi na ito makasunod. The following day, he didn't text nor call her anymore. Hindi na rin ito naghintay sa tapat ng pinagtatrabahuhan niya.

The truth was Whitney was haunted by the images of Plan A to Plan E-2 and the happiness she felt during those times. Ilang ulit din niyang tinimpi ang sarili na tawagan si Oman at sabihin ditong hindi pala niya kayang lumayo ito. But luckily on the last minute, she would be able to collect herself and still do the right thing.

Kasalukuyang nagsasampalan ang legal wife at ang kabit nang makarinig si Whitney ng katok sa pinto. Her heart leapt from her chest. Weird, but she thought she recognized the pattern of the knock—and it was Oman's.

Stop being paranoid, sabi ni Whitney sa sarili. Iniwasan mo na siya. Hindi naman siguro niya ipipilit ang sarili niya sa 'yo. Hindi siya ang kumakatok.

But it was indeed Oman. Napagbuksan niya ang binata ng pinto. He was very handsome, and his clothes were neat. His hair was wonderfully styled. He smelled so good. He was perfect—if only there would be no fear on his eyes.

"Makinig ka muna," sabi ni Oman nang akmang bumuka ang bibig ni Whitney. "Makinig ka muna, 'wag ko muna akong paalisin. 'Wag mo munang isara ang pinto."

Upon seeing him, closing the door was the least thing Whitney wanted to do. She wanted to touch his face, embrace him, and then kiss him. But that would be stupid and right now, she couldn't afford to be stupid.

"Ano bang sasabihinh mo?" she said, trying to sound strong.

Saglit na hindi nakapagsalita si Oman, tila inisip muna ang sasabihin. "Well, to start this, ano, I'm here because I'm just... I'm really..." Mukhang hindi nito mahanap ang tamang mga salita. Napapikit ito, at nang dumilat ay may luha na sa mga mata nito. At parang naisip na nito na wala nang saysay na bigyan ng proper introduction kung ano man ang sasabihin nito. "Whitney, hindi ko kaya. Hindi ko talaga kayang walang Plan F," sabi nito, gumaralgal ang tinig. Pagkatapos niyon ay pumatak ang mga luha nito. "Hindi ko rin kayang walang Plan G o Plan Z. Whitney, gusto kitang makasama. Gusto kitang makasama kasi gustong gusto kita."

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon