Bonding ng Magkaribal kay Bakla

4.5K 65 4
                                    


OF COURSE hindi naman umisip si Whitney ng sobrang desperate ne measure. Hindi naman siya tumambay sa tapat ng kompanya nina Oman, nag-abang na lumabas ang lalaki na may malaking placard at lumuhod para pilitin itong pumayag sa plano niya.

Basta isang Biyernes ng gabi, habang nakatambay sa labas ng apartment niya, kinakabahang tinawagan niya si Oman.

He answered on the second ring.

Ang bilis.

"Hello? Obeng?"

Whitney froze. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya alam ang sasabihin.

"Uy, Obeng, bakit 'di ka na nagsasalita diyan?"

Ibababa ko ba?

"Kailan ka nga free kasi?" sabi pa ni Oman.

Shit. Hindi ko pala dapat ibaba. "Hindi 'to si Obeng," mabilis na sabi ni Whitney.

"Uy, Whitney, ikaw pala 'yan. Sorry," sabi nito. "Kausap ko kasi kanina sa phone si Obeng. Tapos, na-disconnect 'yong call. Tapos, ilang segundo lang yata, nag-ring uli. Hindi ko na tiningnan kung sino, I just assumed it's Obeng—"

"It doesn't matter," she said. It would just depress her. Mukhang ang paglabas kasi ng mga ito ang pinag-uusapan ng mga ito. "Gabi na rin, ha. Nagtatawagan pa kayo?"

"Kung gabi na pala, bakit ka tumawag?" There was humor on his tone.

"May sasabihin akong importante. Ikaw... sino ang unang tumawag sa inyo?" Pagdating talaga kay Obeng, hindi mapipigilan ni Whitney ang magtanong.

"Ako," he said.

Shit ka.

"Bakit mo tinatanong?"

"Concern ako sa kaibigan ko. Bakit ka tumawag sa kanya?"

"Gusto ko nga na gumala kami tomorrow."

"Kaya umaasa—"

"I just missed talking to him," sabi nito.

Shit ka talaga.

"'Yon lang ba ang dahilan kaya ka tumawag?" paninigurado ni Whitney. "Wala kang balak siyang yayaing mag-SOP?" Sex on Phone ang ibig sabihin ng S-O-P.

"Ano. S-O—" Biglang humalakhak si Oman. Matagal. Parang tuwang-tuwa sa sinabi niya."You're nuts."

Aba, malay ba niya? 'Yong isang manliligaw ni Obeng, nagyayang makipag-sex on phone. Nalaman niya kasi naka-loud speaker 'yong tawag, gusto talagang iparinig ni Obeng sa kanya. Nandiri siya sa pinagsasabi no'ng lalaki, kesyo he was rock-hard na raw, he was wearing blue bikini briefs and he was imagining Obeng doing nasty things to him. Nagpipigil naman ng tawa si Obeng at siya naman, nagkunwari siyang nagpipigil din ng tawa kahit ang totoo, nagpipigil siya ng luha.

"Nagsisiguro lang ako," sabi niya nang marinig na tumatawa pa rin si Oman. "For sure naman dumaan na iyon sa isip mo. Pa-inosente ka pa diyan."

Lalo lang natawa ang lalaki. Hindi naman nag-deny. Baka totoong naisip nga niya. Buwisit. Gusto na lang niyang tapusin ang tawag pero kapag ginawa niya iyon, maco-contact ulit nito si Obeng.

"I promise you, hindi ko naisip gawin kay Obeng 'yon," sabi nito.

"Ngayon may ideya ka na kung ano ang gagawin mo." Mauubos na siguro ang lahat ng tubig sa mundo bago pa maubos ang suspicions niya.

"You're crazy. I wouldn't do that. I respect Obeng."

Doon natahimik si Whitney. Because what Oman said sounded worse. Whitney could handle perversity because it would mean lust, something shallow. She couldn't handle Oman's respect, because it might mean true love.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon