Para sa Puso ni Bakla

4.6K 65 1
                                    

PABAGSAK na humiga si Whitney sa kama. She was feeling so stupid. Bakit ba kay Oman siya humingi ng pabor? Bakit sa karibal pa niya?

Mabuti na lang at agad niyang nabawi ang sinabi niya. At least kahit paano, medyo hindi nakakahiya.

But Whitney was so depressed, she wanted to talk to someone. Of course she could not call Obeng, he was the main reason for her depression. She should call someone else. She called Star.

"TALAGA, sinabi ni Obeng iyon?" iyon ang reaksyon ni Star nang sabihin ni Whitney ang sinabi ni Obeng sa kanya sa coffee shop. Nasa dining room sila ng apartment nito,kumakain sila ng kakanin habang nag-uusap.

Tumango si Whitney. "Kaya gusto ko sanang isipin na baka puwede akong magkaroon ng chance sa kanya."

"Hindi naman sinasabi ni Obeng sa 'kin 'yan," medyo nagdadamdam na sabi nito. Ito kasing dalawa ang unang nagkakilala bago siya dumating sa buhay ng mga ito. It was a long story, actually. "So, ano ang plano mo? Hindi mo naman siya lalasingin or something, tapos ise-seduce mo?"

"Ano 'to, teleserye?" sabi niya. "Wala pa akong konkretong plano. Aside from I want to be attractive on his eyes."

Sumandal si Star sa upuan nito, malalim ang iniisip. "Sure ka ba na magiging attractive ka sa paningin ni Obeng? I mean, he's attracted to men. Not women. Ano 'yon, magpapatubo ka ng buhok sa kili-kili?"

Pinandilatan niya si Star. "Puwede rin namansiyang ma-attract sa babae. Minsan, sinasabi niya sa 'kin kapag nagagandahan siya sa babaeng nakakasalubong namin."

"Paghanga lang iyon. Hindi pagnanasa."

"Pero paghanga pa rin. We can start with that," she said. And Whitney realized she was very determined to have Obeng. It resonated on her voice. Parang naramdaman ni Star iyon dahil natahimik ito at hindi na nagbiro. Kinuha nito ang tasa ng kape sa mesa at humigop doon.

"Isa pa, ayaw 'kong maunahan ni Oman," mayamaya ay sabi ni Whitney.

Muntik nang masamid si Star sa kape. "Si Oman? Ano'ng maunahan ni Oman?"

Ikinuwento ni Whitney ang naging usapan nila ni Oman.

"Baka naman wala talagang meaning iyong pagtahimik niya. I mean, feeling ko naman, straight talaga si Oman."

"Pero paano kung may meaning iyon?" sabi niya. Cynic na kung cynic pero pagdating sa number one karibal niya, ayaw niyang maging kampante. "Si Oman iyong tipong nai-inlove dahil sa personality. 'Di ba nagka-crush siya kay "Honey?"

Ang "Honey" ang pangalang ibinigay ni Obeng kay Oman noong i-text nito ang lalaki back in college. Ayon sa kuwento ni Obeng, itinext daw ni Oman dito na natutuwa itong kausap si "Honey" kahit sa text message lang, at kahit hindi pa nito nakikita ang "babae." Ito nga raw iyong tipo ng tao na gusto nitong makausap magdamag. Oman even said that he thought he was having a crush on "Honey" kahit nga hindi pa nito naririnig ang boses ng "babae" dahil hindi pa raw ready.

"Nagka-crush siya kay Obeng dahil sa pagte-text nila noon. Love is blind, right?" sabi pa ni Whitney. "So paano kung ngayon, nakita na niya iyong "Honey" sa loob ni Oman? Paano kung for the second time, na-inlove siya dahil sa personality, regardless of everything, even gender?"

Doon lalo pang natahimik si Star. Hindi alam ni Whitney kung naisip nitong may punto siya o naisip lang nito na noong panahong iyon, hindi siya magpapa-kontra. "So, paano ka magiging attractive sa sa mga mata ni Obeng?"

Whitney smiled faintly. "You know what's funny? Humingi pa nga ako ng tulong kay Oman—sa karibal ko pa, ha—na gawin akong attractive for men. I mean, he's a guy. Siguradong mas alam niya kung ano ang tipo ng mga kabaro nila. And it was a spur of a moment thing. Buti nabawi ko lang—"

"That's a good idea," putol ni Star sa sasabihin pa ni Whitney.

"Ha?"

"I think that's a good idea. Because you're right, he's a guy, kaya mas maiintindihan niya. Alam mo namang hindi mo ako puwedeng asahan sa ganyan. Hindi rin ako pala-ayos." Simple lang kasing babae si Star. Nerdy ang dating nito. "Saka, may isa pang dahilan kaya maganda ang ideyang 'yan."

"Ano?"

"Kasi kapag pumayag siya, you would spend more time with him. So puwede mong siguruhin kung okay nga para sa kanya na makipag-relasyon kay Obeng." Mukhang hindi talaga ito kumbinsido na iba pang interes si Oman kay Obeng aside from friendship. "Isa pa, kung makakasama mo si Oman, mababantayan mo siya, 'di ba? Magiging updated ka sa feelings niya at kung may indication na gagawa siya ng move na makuha si Obeng, puwede mo iyong mapigilan."

Natulala si Whitney. Inaamin niyang hindi niya naisip ang mga sinabi ni Star. "You're... right." Whitney suddenly smiled. "Ang genius mo."

Umikot ang mga mata ni Star. "OA mo."

Agad nga lang nawala ang ngiti ni Whitney nang may maalala. "Pero paano 'yan, binawi ko na?"

Star sipped her coffee again. "Well, ikaw na ang bahala diyan."

And she would think of a way to execute the plan, of course. Desperate times calls for desperate measures.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Where stories live. Discover now