It Has Always Been Bakla

2.8K 40 0
                                    


BAGO ang weekend date nina Whitney at Oman para matulungan siya ng lalaki ay panay pa rin ang punta nito sa tapat ng kompanya nila para sumabay sa kanya ng uwi. Hindi naman nito ginagawa iyon noon, pero mula nang magkaroon sila ng kasunduang tutulungan siya nito ay palagi na lang itong sumusulpot. At sa totoo lang, hindi iyon ikinakainis ni Whitney.

Minsan nga na pauwi siya at hindi niya ito nakita ay nalungkot siya. Umuwi siya na ang pakiramdam ay parang may kulang. And it was Oman and his jokes, his silly stories and his perfume and his laugh...

And... everything about him. Fuck. This is insane.

At ngayon, gabi na, nasa labas siya ng apartment, magkausap sila sa phone, sinasabi nito ang mga plano nito tungkol sa lakad nila sa weekend.

"We're going to watch a horror flick first. Then, kakain tayo. Tapos, magpunta tayo sa zoo or sa museum, kung gusto mo. Sa gabi, after eating dinner, we can watch a concert," he said.

"Planado mo na lahat ah," sabi ni Whitney.

"Plan A pa lang 'to. May Plan B pa 'ko saka Plan C."

That made Whitney laugh. "Na-excite tuloy ako," nasabi niya bago niya mapigilan ang sarili.

Why did I say that?

Because that's what you're feeling, a part of her said.

Hindi naman nakapagsalita si Oman sa kabilang linya. Whitney could just hear his ragged breathing on the other line. Was he freaking out?

"Salamat," he suddenly said, still out of breath.

Nagtaka si Whitney. "Ha? Bakit?"

"Napasaya mo lang kasi ako sa sinabi mo."

Si Whitney naman ang hindi nakapagsalita.

"Excited rin kasi ako para rito. Gusto rin kitang makasama. Kaya napasaya ako noong sinabi mo."

She gripped the phone hard. Dumoble na naman kasi ang tibok ng puso niya dahil sa mga naririnig niya. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya iyon dahil sa mga salita nito.

"I'm really looking forward na—"

"Can I go now?" putol niya sa sasabihin nito. "Inaantok na 'ko. Gusto ko lang matulog."

"Oh," he said. At bakas ang pagkadisyamaya sa tinig nito. Which just made her want to take her words back. "Ngayon na ba agad? Hindi ba puwedeng mag-usap pa tayo?" sabi pa nito.

Pumikit si Whitney, para pigilan ang sarili niyang pumayag sa gusto nito. "I really have to sleep," she said.

"Okay," he said. "Sige, matulog ka ng mabuti." Hindi nito pinutol ang tawag, parang umaasa na magsasalita pa siya. But she ended it.

After ng ilang segundo, tumunog iyon. Inisip ni Whitney si Oman iyon kaya wala sana siyang balak na sagutin. Pero pangalan ni Obeng ang nagpa-flash sa screen. And it made her glad.

But not excited, may bumulong sa isip niya. You're just glad. Kanina, nang makita mo ang pangalan ni Oman sa phone mo, you were excited.

Para mawala ang mga iniisip na iyon ni Whitney ay sinagot niya ang tawag. Hindi na siya nakapagsalita dahil sinalubong siya ng mga hikbi ni Oman.

"I'm pathetic," he said, full of grief. "I'm ugly, and pathetic and I will die alone."

"I'll be there," sabi niya.

Walang exasperated na buntong-hininga o kahit anong reklamo. Walang comment na, "'Wag kang umiyak. We all have pain." Walang tanong tanong ng dahilan. When Obeng was the one who was crying, the reason for the pain—trivial or otherwise—did not matter anymore. She just wanted to ease it a little for him.

Kaya nagsuot si Whitney ng jacket at pinuntahan ang apartment ng kaibigan. Pagbukas nito ng pinto ay niyakap siya nito. Napansin niyang kumonti ang laman ng apartment. Wala na ang isang couch. Wala na iyong TV sa sala. Wala na iyong pulang carpet.

"Umalis na si Vince," sabi nito. Tinutukoy ang kahati nito sa apartment na bading din. "Sinorpresa siya rito ng ka-chat niyang Kano. Pinuntahan siya rito. Lumuhod iyong lalaki diyan." Itinuro nito ang sahig sa harapan ng sofa. "Lumuhod siya, nag-propose ng kasal. Naroon ako. Tulala lang. Mukha akong kawawa."

Hinimas ni Whitney ang likod ni Obeng.

"Bakit kasi hindi ako naging magandang bading, eh. Bakit kasi hindi na lang naging madali na maging ganito..."

"It's okay..." Although it wasn't. She was just saying that because it was the right thing to say.

"At si Oman... bakit ba kasi hindi pa ako sumuko kay Oman?"

Bigla ay tila may umipit sa sikmura ni Whitney nang marinig ang pangalang iyon.

"Nakausap ko siya kagabi sa phone, tapos parang ang saya saya ng boses niya. Nagtanong ako kung bakit, pero ayaw niyang sumagot. Alam ko, sigurado ako, may nagugustuhan na naman siya..."

Hindi nakapagsalita si Whitney doon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Natulala na lang siya, hinayaan si Obeng na umiyak habang nakasubsob sa dibdib niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot o dapat ba siyang ma-guilty. Pero bakit naman siya magi-guilty? Dahil lumalabas sila ni Oman? Kahit ganoon, imposible namang siya ang nagugustuhan nito—kung meron man talaga.

So in the end, Whitney just decided to shut herself off from the confusing feelings she was having. Her heart felt like that apartment—several parts of it became empty and void.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Where stories live. Discover now