Si Lalaki na Amused kay Bakla

6.8K 83 0
                                    


"KAYA nga minsan, alam mo, naiisip ko, paano kaya kung subukan kong makipagrelasyon sa babae?"

Sa totoo lang, hindi napatahimik si Whitney ng sinabing iyon ni Obeng. Paulit-ulit iyong pumasok sa isip niya; kapag nagpapalipas-oras sa mall, bago matulog, at tuwing kumakain siya kapag break niya sa pinagtatrabahuhang call center agency. At pati ngayon, habang naghihintay siyang mag-green ang walk light para makatawid siya.

Posible naman siguro talaga na maisip ni Obeng na subukan na magkaroon ng asawang babae, 'di ba? Hindi naman ito iyong bading na kilos babae talaga. Napagkakamalan pa nga itong straight minsan.

What if we can be together in the end?

"'Wag kang tatawid nang tulala ka, baka masagasaan ka ng bus," narinig ni Whitney na may nagsalita. "Chubby ka pa naman. Mayuyupi 'yong bus."

She recognized the playful voice that was soon followed by a giggle. Nakaramdam agad siya ng inis.

It was Oman, ang lalaking mahal ni Obeng. Ang lalaking pinagseselosan niya. Ang lalaking kinaiinggitan niya. Ang lalaking naging dahilan para maisip niya na sana, lalaki na lang siyang tulad nito.

"Buwisit. Naabutan pa ako. Ayoko pa naman siyang kasabay," sabi kunwari ni Whitney sa sarili, pero sinadya niyang iparinig kay Oman. Nagta-trabaho ito sa munisipyo ng siyudad nila bilang engineer. Malapit na malapit lang iyon sa pinagtatrabahuhan niya. Dahil nasa day shift siya, pareho sila ng oras ng uwian kaya madalas na nagkakasabay sila ng uwi.

"That was just a joke. Lighten up," sabi nito, and as he was saying that, his eyes were lighting up. "Ayaw mo ba talagang may kasabay pauwi? Isipin mo 'to, paano kung nakipagsiksikan ka sa bus, nahulog yong wallet mo, may pumulot pero inangkin niya imbes na ibigay sa 'yo, tapos noong sinisingil ka na ng kundoktor wala ka nang maibigay. Tapos—"

"Tapos wala na akong pakialam," sabi ni Whitney. Nag-green na kasi ang walk light, tumawid na siya.

Agad naming humabol ito sa kanya. "Pero paano nga kung mangyari 'yon? Ano'ng sasabihin mo sa kundoktor?"

Naglalakad na si Whitney papunta sa bus terminal kung saan siya sasakay pauwi. Hindi niya pinapansin si Oman.

"Paano naman kung biglang may nang-hostage sa bus? At least 'pag nandoon ako, puwede kitang ipagtanggol. Paano kung may makatabi kang may putok? Ako, mabango. Gusto mo 'kong amuyin?"

"'Wag na, baka hindi ako makauwi ng buhay."

"Paano kung may nakatabi kang manyak?"

Doon na tuluyang na-frustrate si Whitney. "Fine!" she exclaimed. Alam kasi niyang hindi siya nito tatantanan. Madalas na nitong ginagawa iyon—iyong mag-feeling close, kasi nga may common friends sila. "Fine! Sabayan mo na 'ko. Pero please naman, shut up!"

Oman grinned, proud of himself. Guwapo naman talaga si Oman—yong tipo ng guwapo na hindi suplado. Iyong guwapo na may mga matang parang nagsasabi na lapitan mo ito at kausapin. Maganda ang hugis ng mukha, matangos ang ilong at kapag ngumingiti, makikita iyong isang sungking ngipin. Dark brown ang buhok, matangkad, maganda ang tindig. Kahit ito ang mahal ni Obeng, hindi siya nakakaramdam ng galit dito dahil mabait naman ito—makulit lang. Madalas nga lang, nakakaasar talaga ito.

"Gutom na 'ko," narinig niyang sabi ni Oman sa tabi niya.

"May damo diyan, bumunot ka na lang," sabi niya.

"Walang panulak?" sabi nito, kung hindi ba naman pang-asar din.

"'Tulak kita sa bangin, gusto mo?"

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora