Believing by MissSayuri

153 11 2
                                    

SONG: The Lonely

ARTIST: Christina Perri

REQUESTED BY michikolokoy

COACH: Hope

Idinilat ko ang mga mata ko at nasilaw sa liwanag na dala ng araw. Naniniwala ako na na ang bawat araw ay may dalang pag asa sa buhay ng tao. Kung binigyan ka ng chance na magising sa bawat umaga ay ganun din ang chance mo para maging masaya at sulitin ang bawat minuto ng buhay mo. Live life to the fullest, yan ang sabi ng karamihan pero may iba talagang hindi magawang maappreciate ang bawat araw na ibinigay sakanila ng Diyos.

Kung pwede nga lang makipagpalit sa kanila

Napatingin ako sa gilid ng kama ko nung nakita ko si mama na nakayuko at mahimbing na natutulog, siguro magdamag na naman niya akong binantayan kaya napuyat siya. Hinaplos haplos ko ang buhok niya at dahil dun ay nagising si mama. Nakita kong may lungkot sa mga mata niya at nagsisimula ng mangilid ang mga luha ni mama.

"Napakaiyakin mo talaga ma" bahagya akong ngumiti at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mga yakap niya, "nakayanan ko ulit ma, kaya wag ka ng umiyak, sige ka papanget ka niyan" napangiti na din si mama sa sinabi ko at nabawasan na ang lungkot

Sa bawat chemo therapy na pagdadaanan ko ay laging walang kasiguraduhan ang buhay ko, parang naglalakad ako sa isang kawalan na walang patutunguhan, kahit alam kong bilang na ang araw ko ay pinipilit ko pa ring ngumiti. Kung masakit ang bawat pinagdadaanan kong chemo therapy siguro wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng mga magulang ko lalo na kapag nakikita nila akong nahihirapan.

Isang taon na din akong nakikipaglaban sa sakit na leukemia, at halos ospital na ang naging tahanan ko. Marami ng nagbago sakin, wala na ang mahaba kong buhok na nalalagas tuwing sasailalim ako sa chemo therapy, payat na din ako ngayon at ang dati kong balingkinitang katawan ay halos hindi na makita, ang pamumutla ng balat ko pero isa lang ang hindi nawala saakin.

Ang pagiging masiyahin sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko ngayon

"Ready kana Ivy?" nakangiting lumapit sakin si ate Monica, ang nurse na nagbabantay sakin lalo na pag wala sila mama. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga dahon na unti-unting nahuhulog. Lumapit siya sakin at ngumiti, "nababago ang buhay ng tao kung patuloy tayong maniniwala sa kayang niyang gawin, may milagrong mangyayari basta wag ka lang mawalan ng pag asa"

Tama siya, habang patuloy pa akong nagigising, bawat araw ay may pag asa pa. Sinamahan niya akong pumunta sa garden ng ospital, dahil hindi ko pa kayang maglakad ay nakaupo lang ako sa wheel chair habang naglilibot kami. Nakakagaan ng loob kapag nakakakita ako ng mga namumukadkad na bulaklak.

"Tingnan mo siya Ivy" napatingin ako sa direksiyong itinuro ni ate Monica, "kanina ko pa nakikita ang lalaking yan at wala siyang ibang ginawa kundi ang sirain ang mga halaman. Ewan ko ba sa lalaking yan, ilang beses ko na yang sinaway pero ginagawa at ginagawa pa din niya ang paninira ng mga halaman." tiningnan kong mabuti ang lalaki at mukhang naiinis na siya.

"Baka naman may problema lang siya ate"

"Ay ewan ko sakaniya" ilang sandali pa ay narinig naming pinapatawag ang mga nurse na nakaassign sa pag aasikaso sa mga pasyenteng kakaopera pa lang at isa dun si ate Monica. Babalik na sana kami sa kwarto ko pero pinigilan ko siya

"Sigurado ka ba Ivy? baka mapano ka dito sa labas"

"Okay lang ako ate, wala rin naman akon ibang gagawin sa kwarto ko"

Liriko: The PlayoffsWhere stories live. Discover now