The Promise by TheGoodForNothingBoy

225 10 3
                                    

SONG: Yesterday

ARTIST: Leona Lewis

REQUESTED BY: GlovitaMalditah

COACH: Mik

It's been 3 years since the last time na makita ko siya. Pero kahit na gano'n, I can still remember his face, clearly. Naaalala ko pa 'yung pointy nose niya, his kissable lips, his brown eyes, his black hair, everything! Nakakapanghinayang nga lang at... iniwan niya ako.

Iniwan niya ako not knowing kung bakit. Wala siyang sinabi, wala. Basta bigla na lang siyang nawala.

Alam mo 'yung feeling na magkasama lang kayo buong magdamag tapos pag gising mo, he's not there. He's no longer there with you. Mag-isa ka na lang. Iniwanan ka na niya.

Inabandona?

That day, mukha akong baliw na naghahanap sa kanya. Hindi ko yata makakaya na mamuhay ng wala siya.

His my everything.

Tinanong ko lahat ng kakilala niya pero, wala. Hindi nila alam kung nasaan siya. No one knows kung saan nga ba talaga siya pumunta. Walang nakakaalam. At ang pinaka-malungkot na katotohanan ay wala ring kasiguraduhan kung babalik pa ba siya.

That day, bigla kong naisip na, "What if daddy was right? Na niloloko niya lang ako all along? Na hindi niya talaga ako mahal?"

Ang daming what if's na nagsulputan sa isip ko nang mga sandaling 'yon, pero lahat 'yon ay 'di nagtagal.

I know him. Hindi niya 'yon magagawa. May tiwala ako sa kanya. And I'm sure na hindi niya 'yon sisirain.

Mula sa drawer ay kinuha ko ang pinakahuling bagay na iniwan niya, isangpapel na tagak; origami. Mapapansin sa mga pakpak nito ang mga katagang, "Babalik ako, pangako."

Napangiti ako, isang ngiti na hindi ko malaman kung ano ang kahulugan. Sa ngayon, magkahalo ang nararamdaman ko habang tinititigan ang papel na tagak.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung dapat ko pa ba 'yung pang-hawakan.

Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako na babalik pa siya.

Sawang-sawa na akong umasa.

Nakakapagod din pala.

Ilang taon na ba ang lumipas? Bakit hanggang ngayon kahit anino niya hindi ko pa rin nakikita? Hindi ko tuloy maiwasang hindi tanungin ang sarili ko na, "Naniniwala ka pa bang babalik pa siya?"

Napa-iling na lang ako.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Hindi ko alam, naguguluhan na ako.

Gustuhin ko mang magalit sa kanya, hindi ko magawa.

Hindi ko kaya.

Hindi ko yata kayang magalit sa taong minsang sumagip sa buhay ko.

Yes. He's my saviour. My hero. My knight in shining armor. My Prince Charming. My everything.

***

"Layuan mo nga ako! 'Di ba sinabi ko naman sa'yong ayoko sa'yo?! Look at you," sabay turo sa kanya, "Bukod sa mukha kang sanggano mukha ka pang durugista. So stay away! Leave me alone! Stop following me!"

"Aba't ang kapal nito, ah?" Kinuyom niya ang kanyang kamao, nanlilisik ang kanyang mga tingin, "Durugista pala, hmmm!" saka niya isinuntok ang isa niyang kamao sa isa niyang palad, inulit-ulit pa niya 'yon habang papalapit sa'kin.

Liriko: The PlayoffsWhere stories live. Discover now