Caged Lion by EGStryker

233 20 10
                                    

SONG: Reflection

ARTIST: Lea Salonga

REQUESTED BY: RimgazerXX

COACH: Hope

Payuko akong naglalakad sa isang tahimik na pasilyo habang inaayos ko ang shades na suot ko. Nang matapos ay isinuksok ko naman ang pareho kong kamay sa bulsa ng aking jacket. Mabibilis ang mga hakbang na ginagawa ko at pilit kong tinatago ang aking mukha sa bawat taong nadadaanan ko. Hindi naman nila ako binibigyang pansin, bagkus ay patuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa.

Hanggang sa makaliko na ako sa mas tahimik at walang katau-taong pasilyo. Bago pa man ako makarating sa dulo ay isang boses ng lalake ang nagpahinto sa akin. "Saan ang punta mo, miss? May kailangan ka ba kay secretary?" Nanatili akong nakayuko at nakatigil sa kinatatayuan ko. Ang tignan siya sa kanyang mga mata ay hindi ko ginawa. "Kung wala naman kayong sasabihin, mabuti pa't umalis na lang kayo dito."

Akmang hahawakan na nito ang aking balikat nang mabilis kong inilabas ang aking kamay kasabay ng pagwasiwas ng kutsilyong hawak ko mula sa loob ng aking bulsa. Nadaplisan ang lalake sa kanyang katawan dahilan para mapaatras siyang umuungol. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong makabawi at dali-dali akong pumaikot at nagpakawala ng malakas na sipa sa kanyang sikmura. Humampas ang kanyang likod at ulo sa pader at bumagsak na lang sa sahig. Doo'y nakakuha na ako ng tiyempong pasukin ang opisina ng secretary.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay agad kong narinig ang pagsigaw ng isang lalake. Pinatigil niya ako mula sa aking posisyon. Inangat ko ang aking tingin upang masulyapan sila, dalawang tauhan ang nakapuwesto sa magkabilang gawi ng mesa habang ang secretary naman ay nakaupo lang sa tapat nito. Kita ko ring parehong nakatutok na ng baril ang parehong tauhan sa akin, kahit anong oras ay kaya nila akong paputukan. Pinakiramdaman ko lang sila habang taimtim akong nag-iisip ng plano.

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" nangangatog na tanong ng matandang secretary.

Unti-unting umunat ang mga labi ko at ngumisi sa sinabi niya. Mula sa nakasukbit sa kaliwa kong hita ay palihim kong hinawakan ang taser gun. Halos sa isang iglap ay tinutok at ginamit ko iyon sa lalakeng nasa kaliwa. Maagap naman akong gumulong papalapit sa nasa kanan at pinatid siya dahilan para bumagsak siya. Sa aking pagtayo ay kasabay ng pagbato ko ng maliit na kutsilyo sa mesa ng secretary.

Napatakip siya sa kanyang mukha na may bahid ng pagkagulantang sa bilis ng kaganapan. "Bakit mo 'to ginagawa? Ano kasalanan ko sa'yo?"

Agad nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya at nilapitan na siya. Binigyan ko siya ng malakas na sampal sa kanyang pisngi. "Ang lakas ng loob mong tanungin pa 'yan! Matapos ang lahat ng ginawa mo!?" galit kong sambit habang takip-takip pa rin ng kamay niya ang kanyang mukha.

"Sino ka ba? Wala akong ginagawang masama sa'yo!" nagmamakaawa niyang tugon.

Tinanggal ko ang shades na suot ko at pinukulan siya ng matalim na tingin. Ang kaninang takot niyang mukha ay napalitan ng gulat nang masilayan niya ang aking mga mata. Alam kong nagliliyab na sa galit ang mga mata ko, nagtitiim pa ang bagang ko sa ngitngit na nararamdaman ko. "Ako ang anak ng inosenteng mamamayan na pinagkaitan niyo ng hustisya!" Kapansin-pansin mula sa kanyang labi ang panginginig nito nang sabihin ko sa kanya kung sino ako. "Alam ninyo na ang Mayor mismo ang tunay na may sala, pero ano'ng ginawa niyo? Tinago niyo ang katotohanan!" litanya ko habang kinukuha ang nakabaong kutsilyo sa kanyang mesa.

Liriko: The PlayoffsWhere stories live. Discover now