Chapter 8 : News

7 4 0
                                    

Ray's POV

Nang mawalan ng malay si Dellei agad namin siyang dinala ni lunar sa school clinic .

Grabe umiyak ba siya ? Basang basa pisnge eh .

Nang makarating kami sa clinic sabi nung nurse eh dala lang daw yon ng sobrang pagod at matinding fatigue kaya siya nagfaint.  Hayaan nalang daw muna namin siyang mag pahinga don. 

Wala naman na kaming nagawa ni Lunar. 

Uhmm . Nagtataka ba kayo kung sino ang mas matanda samin ni lunar ? Si Lunar ang mas matanda saming dalawa. Siya ang unang lumabas bago ako eh .

Sakto naman ng papalabas kame ng clinic ng may kumausap samin .

"Kayo po ba sila Ray at Lunar Stellar ? " Medyo pacute na wika nung babaeng nagtatanong samin .

Tinignan lang naman siya ni lunar .

Ayoko namang mapahiya tong babaeng to.  Andame pa namang nakatingin samin ngayon. 

"Uhm yes , what do you need " medyo pacool na tugon ko sa kaniya. 

"Pinapapunta po kayo ng dean sa office niya , ngayon na daw po.  Kung pwede baka daw pakibilisan hihi " medyo nahihiya at kinikilig na sabi nung babae .

Hindi na kami hinintay na magsalita pa nung babae.  Umalis na ito agad pagkatapos nitong sabihin ang kailangan nito. 

Teka . Anong kailangan ni auntie samin ?

Walang alinlangang dumirecho kami ni lunar sa dean's office .

As usual pagpasok namin andaming lumilipad na libro sa paligid. 

"Tita , ano pong kailangan niyo ? " Walang atubiling bungad agad ni lunar kay tita na ngayon ay kinukumpas kumpas ang kamay sa ere. 

Ang astig talaga ng cast ni tita. 

Pinatigil muna ni tita ang mga libro sa ere bago humarap samin. 

"Tara duon tayo sa pribado kong kwarto mag usap.  Medyo sensitibo ang pag uusapan natin . Mahirap na , baka may makarinig satin" tita

Pumunta naman na kame sa sinasabing kwarto ni tita .

"Pumunta akong mag isa sa bayan niyo , sa quarter 12 at nag sagawa ng personal na imbestigasyon . Nang dumating ako sa bayan niyo , wala nakong nadatnang buhay na nilalang . Wala ni isa man sa mga magulang niyo ang aking nakita . Halos kalunos lunos na ang sinapit ng quarter 12 , mga sunog na kabahayan at puno lang ang nandodoon . Ngunit may isang bagay akong natagpuan doon . " 

Andellei's POV

Pagdilat ko palang nang aking mata sumakit na agad ang aking ulo .

Ano bang nangyare ? Teka , nasaaaan ako ?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. 

Halos puro puti .

"Ray , lunar nasan kayo ? " Hinanap ko ang kambal using may sub-cast. 

Hanu bayan . Wala akong kasama dito . Kaboring naman .

Alam kong nasa lugar pagamutan ako o kung ano paman ang tawag don sa lugar kung saan ka pinapagaling.  May mga gamot at makinarya kasi sa paligid ko , may mga halamang gamot din tulad nung sa nakikita ko dati sa bayan namin na pang gamot. 

May lumabas naman na nakaputing binibini.  Galing ata sa kabilang kwarto to. 

"Mabuti naman at nagising kana iha , alalang ala ang mga kasama mo kanina dito.  Halos ayaw na ngang umalis sa tabi mo eh . " Nakangiting wika niya sakin. 

Will CasterWhere stories live. Discover now