Chapter 1 : Her Clan

17 9 1
                                    

"You can't take my youth away , this soul of mine will never break , as long as i wake up today , you cant take my youth awaaaaaay . Yah yah yah 🎵🎤🎶🎶🎤"

hay buhay sarap i kanta nalang . Andito ako ngayon sa aking kwarto dito sa aming mumunting kubo , ayoko pang lumabas nakakatamad kase , bakit ba kase ang aga kong nagising ngayong araw eh wala naman akong gagawin , kainis .

Itutulog ko na nga lang ito tutal sobrang aga pa naman talaga . Myghad its just 5:30 in the morning for petes sake.

Ipipikit ko na sana ang aking mata ng may nagsalita .

"Andellei nak , labas"

Bigla akong napamulat ulit ng wala sa oras . Hindi inaasahang mapapatayo at walang hila-hilamos ang mukha at mumog na lumabas. Hays ang katawan ko HUHUHUHU

"Buti naman at lumabas ka agad flex" wika ng aking ina .

Hays inay may magagawa ba naman ako eh yang mumunting bunganga mo eh ginamit mo sakin . Wala akong magawa lagi pag nagsasalita siya

"As if i can do something"  sabi ko nalang at umupo na sa harap ng hapag kainan .

Kaming dalawa lang ni nanay ang magkasama dito sa bahay si itay ay laging nasa kabilang bahay dahil siya ang punong mayor dito sa aming lungsod . Minsan nga lang namin siya makasama eh dahil hindi talaga siya lumalabas don sa bahay nayon . Kakamiss siya

"Eat" sabi ni nanay .

Kusa namang kumilos ang aking dalawang kamay at kumuha na ng plato at kutsara . Itlog at kanin para sa agahan , di na masama .

"Pati ba naman sa mga ganitong bagay ina"  wala sa sariling anas ko .

"Sorry na agad anak , wala eh eto na talaga ako eh hindi na mapigilan at makontrol kaya masanay kana" paumanhin ng aking nanay .

Naiintindihan ko naman siya , bunga na siguro yon ng sobrang kalakasan at katandaan . Buong buhay ba naman niya sinanay siya ng aking lola para makontrol at mapalakas ang kanyang kakayahan .

Matapos naming kumain pumasok na ulit ako sa aking kwarto kung kwarto nga ba talaga itong matatawag dahil cabinet lang ang naghahati nito sa dingding at kurtina lang ang nagsisilbing pinto .

Dahil busog pa naman ako nagbasa nalang muna ako ng libro . Mamaya na siguro ako mag gagala sa bayan namin , ang hirap kasi ng busog ka tapos naglalakad ka diba ?

What's a girl gotta do . Yan yung title nung book , uhmmm . Not bad sa isip isip ko . Sinimulan ko nang basahin yung book .



"Ho may natapooooooooooos ko diiiin sa wakas !! Grabehang englishan naman po pala ito hindi me nainform pero sulit naman ang ganda ng story ni charlotte feminism pa more girl , nako andellei flex sana marami kang natutunan"  wika ko sa aking sarili . Parang baliw lang

Anong oras naba ? Parang napahaba ata at napatagal ang aking pagbabasa .

Tumingin ako sa orasan . 12:00 na pala ng tanghali , hala sakto tanghalian na pala . Sure ako tatawagin na ako ni nanay para kumain .

"Flex , come out " narinig kong wika ng aking ina .

Wala na naman sa sariling napatayo ako at lumabas na .

"Nanay naman ?! Maawa't mahabag !!"  Nababaliw na wika ko . Feeling ko puppet ako pag nagsasalita si nanay eh .

Munting tingin nalang ang naibigay ni nanay sakin bago siya nagsimulang kumain kaya nagsimula nadin akong kumain .

Will CasterWhere stories live. Discover now