Chapter 4 : Skill Wise

8 6 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas at eto na ako ngayon . Marami nang pinagbago . Dalawang linggo nadin ako nag tetraining kasama si tatay at marami nakong natutunan .

Andito ako ngayon ulit sa likuran ng bahay namin na kung saan napagpasyahan kong gawin nalang training grounds ko .

Katapat ko ngayon ang puno nang akasya .

Ano nga ba ang nangyare nung iwan ako ni tatay .

Flashback

Lumong lumo akong napa upo nalang sa tapat ng puno ng akasya . Di ko manlang alam talaga ang gagawin ngayon . Iniwanan pako ni tatay kaya wala akong mapagtatanungan . Sinabi pa niyang hindi ako maaaring umalis hanggat hindi ko napapasunod itong punong kaharap ko ngayon .

Walang pag asang napayuko nalang ako . Ilang beses ko na bang sinubukang utasan itong punong ito . Trentang beses na ata pero hanggang ngayon busted padin ang peg ko. 

Ano paba kase ang kailangan ? Waaaaaaah 😭 lutak na lutak na ang pagkafocus at pagcoconcentrate ko dito sa matandang puno na ito para mapasunod ko ito pero bakit wala padin ? 

Pero sino nga bang ginusto ito ? Ako din naman . Kaya heto tatayo ulit ako upang subukang utasan ulit ang punong ito .

Ipinikit ko ang aking mata .
Dinama ko ang dampi ng hangin sa aking mukha . Huminga ako ng malalim at itinuon ang focus at concentration ko sa puno na ito .

"Tree please im pleading you , follow my order . Release your roots and clean these mess " pursigidong litanya ko sa harap ng puno at umaasang kanyang susundin na . Ngunit tulad ng nangyari kanina wala pading nangyare .

Nawawalan nako ng pag asa .
Di ko kaya ang isang ito . Sa isip isip ko . Nagugutom nadin ako . Tumingin ako sa orasang nasa pulsuhan ko . Myghassssh alas singko na ng hapon at andito pako sa likod bahay at nasa tapat ng isang malaking puno . Lalo akong nanlumo at napaupo na ng tuluyan . Hindi ako makaalis kahit gustuhin ko , diko magawa dahil di kumikilos ang paa ko paalis dito . Utos ni tatay ay kanyang sinusunod .

"Hindi lahat ng bagay na hinihingi at gustuhin ay nakukuha na lamang basta basta , minsan kailangan mong ipakita ang iyong totoong intensyon at ang totoo mong hangarin"

Napalingon ako sa itaas ng puno kung saan nanggaling yung tinig .

Teka .. wala namang tao ha . Sino yung nagsalita ? Nababaliw na ata ako bunga ng sobrang kagutuman . Kung ano ano na ang naririnig .

"You can talk to us easily because its your free will , you can hear us and we can hear you , we can talk to you and also you can talk to us"  wika ulit nang nasa itaas nung puno .

Tumingin ulit ako sa itaas nung puno . Wala naman kase talagang tao. Waittt ... Ano yon ???

Isang ibon ?!

Wth ? Nababaliw na nga talaga ako .

"Sino yan ? Sino ka ? " Nagbabakasakaling tanong ko sa tao at hindi sa ibong kaharap ko ngayon .

"Isa akong ibon , hindi ba halata ? Nakakausap moko dahil may kakayahan kadin na kumausap ng mga hayop , its your will ability . Sundin mo yung sinabi ko at makikita mo ang angking kakayahan mo " wika niya sakin .

Will CasterWhere stories live. Discover now