Chapter 2 : Mixed Clan

10 7 2
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung paggala at paglibot namin ni tatay sa bayan na napag alaman kong "land of the maids" pala ang pangalan . Simula ng nalaman ko ang kwentong yon sa aking ama nagmistulan itong motibasyon sa akin na kilalanin pang maigi ang kakayahan ng aking angkan . Kung dati hindi ko ito ginagamit at pinag aaralan ngayon pursigido na akong matuto .

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay na tinitirahan ng aking ama . Gusto ko siyang makausap at may gusto sana akong hilingin patungkol sa aking kakayahan .

"Andyan po ba ang aking ama ? "  Wika ko sa tanod na nasa labas ng bahay ni tatay

"Bakit andellei may kailangan ka sa iyong ama ? Teka lang at tatawagin ko lang siya " tugon ni manong .

Makalipas ang ilang sandali.

"Oh anak , bakit ka nandito ? Nasan ang iyong nanay ? "  Tatay

"Umalis po si nanay tay , nagpunta pong pamilihan , maminili po ata ng sangkap para sa lulutuin niyang ulam mamaya " wika ko

" Ahhhhh . Bakit ka naman naparirito ? "   Tatay

" Ama gusto ko pong matuto ng kaunti patungkol sa ating kakayahan " ako

"Halika pumasok ka " tatay.

Siguro iniisip ni tatay na kaya ako magpapaturo sa kanya ngayon eh dahil natatakot ako na maging alila . Syempre naman , sino naman kase ang gustong maging alila no ?  Tsaka jusme naman , tumatanda nako pero kahit isa wala man lang akong kaalam alam sa kakayahan namin . Kada kase tuturuan nila ako lagi akong tumatakbo paalis o kaya naman natutulog para lang makaiwas sa ituturo . Hindi naman nila ako gustong pwersahin kaya hindi nila ako mapagsalitaan kaya hindi talaga ako natuto .

"Oh eto " biglang sabi ni tatay sabay abot sakin ng isang luma at makapal na libro .

"Ano naman to ?" Wala sa sariling tugon ko .

"Libro"  tinatamad na wika nang aking ama .

"Tay alam kong libro ito pero ano gagawin ko dito ? Syempre babasahin diba ? Pero diba po sabi ko sa inyo turuan niyo ako ng kaunti muna ng ating kakayahayan"  mahaba at medyo pailing na litanya ko sa aking ama .

"Anak , basahin mo muna iyan . Pagkatapos mo basahin iyan tsaka kita tuturuan ng basics ng ating kakayahan" bagot na bagot talagang wika ng aking ama .

"Sige po " kahit labag sa loob ko ay sinunod ko nalang ang utos niya . Babasahin ko nalang muna siguro ang librong ito  .

Tamad na tamad akong lumabas ng bahay ni tatay . Akala ko panaman tuturuan niya agad ako ng kaunti patungkol sa aming kakayahan . Myghad im so disappointed .

Dahil sa pag ka dismaya hindi muna ako umuwi sa amin.  Wala oa naman siguro si nanay sa amin , sa isip isip ko .

Nilagay ko nalang ang libro sa bag ko at sinimulang maglakad lakad .

Napaka simple talaga ng bayan na ito , bukod sa estatwa ni Virgo wala nang natatangi dito . Puro kubo ang kabahayan at napalilibutan ng puno. Habang naglalakad ako nabighani ako sa sinag ng araw na nagmumula sa kalangitan .

Amazing . Sa isip isip ko .

Sinundan ko at tinahak ang daan patungo doon sa sinag ng araw , bakit ganon ? Ang ganda talaga nito .

Mula sa kinatatayuan ko nakita ko si Ray na nakataas ang kamay at pawang kinokolekta ang sinag ng araw . So siya pala ang may kagagawan non . Kahanga hanga . Si Ray ay isa sa mga kababata ko , lagi kaming naglalaro sa bahay nila dati kasama ang kaniyang kakambal na si lunar. 

Will CasterWhere stories live. Discover now