Chapter 1

17 2 0
                                    

CLAIRE'S POV

"Ano kayang feeling ng magkaboyfriend?"

"Hay nako Claire maganda ka naman eh kaso hindi masyadong nag aayos ng sarili mo dapat kasi may make up ka tapos itali mo yang buhok mo para maayos kang tignan."

Yan ang kaibigan kong si Alliana Keith Rodriquez, Ali for short. Maganda siya, sexy at mayaman at marami na rin yang naging boyfriend.

Hindi ko talaga tinatali yung buhok ko  dahil simula ng bata pa ako laging nang nakalugay yung buhok ko tsaka ayaw kong magmake up kasi sabi ni mom nakakasira daw ang make up sa mukha. Okay na ako sa pulbo at liptint lang.

Nandito kami ngayon sa classroom nagdadaldalan dahil wala pa naman yung prof namin.

Actully ako nga lang pala ang nakikipagdaldalan dahil itong dalawa kong bestfriend nakikipaglandian at nakikipagharutan sa boyfriend nila.

"Oo nga naman Claire at dapat magpacute ka sa mga lalaki para magkaboyfriend ka na rin. Diba hon?"

Yan naman si Farrah Mae Lopez, Farrah for short at siya ang may pinakamaraming naging ex sa aming tatlo I mean sa kanilang dalawa lang pala he he.

"Edi kayo na, kayo na ang may jowa at ako na ang wala."

Bakit ba kasi ganito life is so unfair halos lahat ng mga kaklase ko may mga boyfriend at girlfriend na parating nakikipaglandian, harutan, at palitan ng I love you samantalang  ako nandito at nagpapakabitter.

"Guys quiet na and Yan na si prof."

"Good morning Class"

"Good morning sir"

"So our lesson for today is about blah blah blah...."

Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig at magtake notes dahil syempre grade conscious ako atsaka ayaw kong madisappoint sila mom at dad.

Pero itong mga katabi walang ibang ginawa kundi magtext at magcellphone sa buong klase.

"Class Dismiss"


Niligpit ko na yung mga gamit ko at pumunta kina Ali.

"Ali punta tayong tatlo sa mall bumili na tayo ng mga materials na gagamitin narin para sa group project narin."

Meron kasi kaming group project na by three kaya kami na lang tatlo  ang magkakagrupo tutal magkakapit bahay naman kami at para na rin mas mabilis naming matapos yung project dahil sa Friday ang deadline.

"Sorry Claire di ako pwede ngayon kasi may date kami ngayon ng boyfie ko."

Talagang mas uunahin pa niya yung date niya sa boyfriend nya kaysa sa project namin.

Haayss buti na lang meron pa si Farrah para samahan ako.

"Farrah dalawa na lang ta-"

"Sorry Claire may usapan kasi kami ni  Ken na magdadate kami ngayon eh sorry talaga."


Okay so ako lang mag isang pupunta sa mall ngayon dahil sa dalawa kong mababait na kaibigan na mas uunahin pa ang boyfriend nila na kailan lang nila nakilala kaysa sa akin na simula pa lang noong bata ay magkakaibigan na kami. Wow ha ang babait talaga nila *insert sarcastic tone*

Ang daya talaga nila kahit kailan pasalamat sila dahil mabait ako kung hindi haay nako.

Pumunta na ako sa labas para hanapin ang sundo ko at sumakay sa kotse.

"Mang Jose daan po muna tayo sa mall dahil may bibilhin pa po ako."





*Sa Mall*

Naglakad lakad ako at pumunta sa loob ng National bookstore para bumili ng mga materials

*Pili dyan*

*Kuha dito*

*Tingin dyan*


Haayss kapagod samantalang ung dalawa kong kaibigan padate date lang.


Sa wakas at tapos ko nang bumili ng materials. Pupunta na sana ako sa counter ng-





"Ouch"

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon