Happy Accident

435 30 8
                                    

Lumipas na ang mga buwan, Myrtle and I were both busy. Pagtapos ng anniversary vacation namin, balik trabaho na si Myrtle. Ako naman ay nagpapahinga from tour. Pagkamulat ko pa lang ay wala na sa tabi ko si Myrtle. Unlike before, hindi ito nagiwan ngayon ng note. Naisip kong busy lang talaga ito.

Bumangon na ako, naginat at nagtungo sa kitchen. Tama ako, nagmamadali nga ito kanina, dahil ni kape ay hindi ito nakainom wala ding breakfast na naihanda. I decided to bring her lunch, kaya after kong mag light breakfast ng toast at kape. Nagsimula na akong magluto para sa lunch nya. I sautéd vegetables in garlic, pagtapos ay nagluto ako ng chicken and pork adobo.

After I packed lahat ng niluto ko in a container, naligo na ako para puntahan siya sa office nila. Nakabihis na ako, Naka-white dress shirt ako, khaki shorts at black na boat shoes.

Saktong lunch time na nila ng makarating ako sa office nila, I parked across the street dahil puno ang parking space sa office nila, dahil kilala na ako sa office nila, dire-direcho lang ako sa room ni Myrtle. 

Pagbukas ko ng pinto, sa room ni Myrtle nakita ko si Myrtle may kayakap na ibang lalaki. Agad kong nabitawan ang dala kong lunch. Sandali akong natigilan, she pushed the guy away at akmang lalapit na ito sa akin, pero tumakbo na ako papalabas ng kwarto nito. Sakto namang may pababang elevator. 

"Love! Please!" Narinig kong sabi ni Myrtle bago magsara ang pintuan ng elevator. Nang makarating na ako sa lobby, dali-dali akong lumabas ng building nila.

Biglang may humawak sa braso ko, mahigpit pero marahan.

"Love, please... Let me explain." nadinig kong sabi ni Myrtle.

"Bitawan mo ako, Myrtle." Mariin kong sabi sa kanya.

"Love, can you please let me explain?" She said to me, her voice irritated.

"Wala ka nang dapat, ipaliwanag pa Myrtle."

Sabay hakbang ko na patawid sa car park ng bigla akong bumagsak sa kinatatayuan ko.

****************
Myrtle's POV:

"Love!" Sigaw ko nang hindi nito mapansin ang sasakyan na paparating. Agad akong tumakbo mula sa kinatatayuan ko.

"Love, wake up please." Sabi ko na sa kanya, habang marahan kong niyuyugyog ang katawan nito.

"Miss, I'm sorry." A guy called out to me.

"Please help us, let's take her to the hospital." I pleaded at the stranger who has hit her with his car.

Dali-dali naman itong kumilos upang buhatin si Devin at isinakay sa back seat ng kotse nya, sumakay ako sa likod ng kotse, naka-ulo sa lap ko so Devin, may tumutulong dugo mula sa ulo nito, it scared me as I try to compress her head.

Maya-maya pa, after 10 minutes ay nakarating na kami sa Hospital. Agad na tinugunan nang mga Nurse si Devin, I watched as she was wheeled away to the operating room. Agad ko namang tinawagan si Tito Adrian para ipaalam ang nangyari kay Devin. Tapos ay tinawagan ko sila Batch. It was Batch and Abby who came first.

"Myrtle, anong nangyari?" tanong ni Batch sa akin as soon as she arrived in the hospital. Agad naman akong niyakap ni Abby. 

"N-nabundol siya ng kotse." Nanginig kong sagot.

"Why? Bakit siya nabundol?" Batch asked me. 

"Mahal, can you stop interrogating her muna? Hindi mo ba nakikita? Nahihirapan nang mag-salita si Myrtle." Abby answered her, mataman itong tinitigan ni Abby sabay hila nito sa akin. 

She pulled me to the Hospital's Cafeteria, binilan ako ng kape ni Abby. Pag-upo nito ay hinayaan lang nya akong kumalma na muna. Ilang minuto pa bago ako kumalma. Humigop muna ako ng kape na mainit. 

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now