The Promise by TheGoodForNothingBoy

Start from the beginning
                                    

Nagsimula na akong tumakbo, bigla kasi akong nakaramdam ng takot. 'Yung mga mata niya, 'yung mga tingin niya, nakakakilabot. Parang sa titig pa lang niya mapapatay na niya ako.

Matagal ko nang alam na lagi niya akong sinusundan ng palihim, nalaman ko rin na may gusto siya sa'kin dahil minsan siyang nagtext at tumawag sa telepono namin sa bahay.

Ang creepy lang niya! Hindi ko maaatim na pumatol sa isang tulad niya.

Nakakakilabot at nakakatakot at the same time!

Takbo lang ako nang takbo, wala akong balak huminto dahil bukod sa nakakatakot ang itsura ng lalaking sumusunod sa'kin, mukha pang hindi siya gagawa ng maganda.

Mukha siyang serial killer. Sanggano. Rapist. Basta. He's too scary! I know na masamang manghusga ng tao base lang sa panlabas na anyo, pero anong magagawa ko? Nakakatakot talaga siya at base sa pinapakita niya, mukhang 'di siya gagawa ng maganda.

Habang tumatakbo 'di ko namalayan na may bus na pala akong makakasalubong and the scariest part... mababangga ako.

***

Nang mga oras na 'yon, feeling ko sandaling tumigil ang oras. Pakiramdam ko habang papalapit sa'kin nang papalapit 'yung bus, nauubusan ako ng hininga. Naibulong ko na lang sa sarili ko, "Ito na ba ang katapusan ko?"

Gano'n pala ang feeling pag nasa bingit ka ng kamatayan. 'Yung para bang hindi mo alam kung anong gagawin mo.

Napangunahan ka na ng takot. At dahil nagpa-panic ka na, maba-blangko ka.

That time, napa-pikit na lang ako, hinihintay na bumangga sa'kin ang bus. Pero 'di 'yon nangyari. Ang galing nga eh. Parang isang magic!

Sa isang iglap lang, buhat-buhat na niya ako sa kanyang mga bisig. Pakiramdam ko, an angel was sent to saved me. Isang unknown ang nagligtas at nagsugal ng buhay para iligtas ako.

Habang nakatitig ako sa kanya unti-unting bumibilis 'yung heartbeat ko. Parang sasabog na ito sa sobrang bilis! It was the first time na naka-experience ako nang gano'n.

Alam mo 'yun? Na-love at first sight ako sa kanya. Kahit 'yun pa lang ang unang beses na nakita ko siya napa-tibok na agad niya 'yung puso ko.

Kakaiba talaga ang magbiro ang tadhana.

Sa dinami-rami ng tao sa paligid ko sa isang istranghero pa ako na in love. Gano'n naman kasi talaga, maaari kang mahulog sa isang stranger kung 'yun ang nakasulat sa kapalaran mo.

Tapos, sandaling nagtama ang aming paningin.

Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. At doon, doon nagsimula ang aming kwento.

Napa-buntong hininga na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala ka na sa piling ko. Na iniwan mo ako sa hindi malamang dahilan.

You know what? I'm still waitin' for morning to come. Na sa pagsikat ng araw, pagmulat ng mata ko, nasa tabi na kita. 'Yung ikaw 'yung unang tao na makikita ko pag-gising ko. 'Yung ikaw 'yung unang babatiin ko ng 'good morning'.

Pero mukhang malabo na mangyari 'yon.

Iniwan mo na nga ako, 'di ba?

Tears from my eyes started to fall. Mabilis ko rin naman itong pinahid gamit ang palad ko.

I have to be strong... for myself. I have to face the reality that he's no longer here with me. Na iniwanan na niya talaga ako. That's the sad fact to be accepted.

Binuksan ko ang bintana ng silid para maka-langhap ng sariwang hangin. Sandali akong dumungaw doon at pinagmasdan ang kawalan.

Habang nakatitig sa kawalan ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig, dahilan para yakapin ko ang aking sarili.

Liriko: The PlayoffsWhere stories live. Discover now