iv

54 0 2
                                    

| u n i q u e |

kanina pa kami umalis ng campus at kaka-drop off lang ni kuya zild kay shanne sa bahay n'ya.

in-invite pa kaming mag-dinner ng parents n'ya pero 'tong si kuya zildjian naman, nahiya at sinabing kukuha na lang kami ng fastfood. sana totoo nga.

"kuya zild, kukuha ba talaga tayo ng fastfood dinner o cup noodles na naman?" tanong ko nang nakalayo na kami.

"ewan. do you want mcdo or something?"

"jollibee. parang gusto ko ng spaghetti eh."

"sige, pero kkb. nag-iipon pa ako ng pera kaya wala ka munang libre ngayon."

napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya zild at kinuha na lang ang wallet ko.

mukhang kaya pa naman hanggang next next week, isip ko nang binilang ko ang natira kong pera at inisip kung magkano pa ang laman ng atm ko.

"sige g lang,"

nag-iba na ng daan si kuya zild, patungo na sa drivethru ng jollibee. naghihintay pa kami ng turn namin dahil may dalawa pang sasakyan na nauna.

habang naghihintay, may naalala ako.

"kuya zild, bakit mo naman ako agad na pinasama dun sa party na 'yon? alam mo namang ayaw ko sa mga ganun 'di ba? at alam nating dalawa na hindi ako nakakatuwang makasama 'pag lasing."

"eh 'di 'wag kang maglasing... simpleng bagay," tugon naman n'ya. "plus i think it will help you cool off. this week's bound to be stressful. tuesday pa lang, oh."

"cool off? walang pa-cool off-cool off 'pag kasama si silonga 'no?"

"don't you remember the party nung may? that was intense, pero tumagal ka ng almost three hours na hindi s'ya pinapatulan."

"anong party? shit. 'yung before school started ba? jusko wala akong naaalala dun masyado. may ginawa ba akong kalokohan?"

"ah wala... wala naman. naawat kita bago ka pa gumawa ng gulo. 'di ko man lang narealize na 'yung blaster silonga pala ay 'yung karibal mo rin."

"hay buti naman..." sabi ko. umusad na ang kotse at kami na ang oorder.

sinabi na ni kuya zild ang kanyang order at tinanong ako kung ano pang gusto kong i-order.

"isang jollispaghetti, isang yumburger, ta's isang coke," sabi ko.

nakuha na namin ang order namin at nag-drive na si kuya zild patungo sa dorm.

pagdating namin ay binati kami ni ms. charlotte. s'ya ang nagmamanage ng lugar.

kung nagtataka kayo kung bakit babae ang nagmamanage ng lugar na 'to, hindi naman kasi ito exclusive boys' dorm eh. may dalawang sides 'yung building — pambabae't panlalaki.

binati namin s'ya pabalik at dumaan sa common room. walang masyadong tao kaya't nagpatuloy na lang kami paakyat sa kwarto nang walang hassle.

sa ibang araw, maraming nagtitipon sa common room dahil sa malakas na signal ng wi-fi. ewan ko ba kung bakit himala at nagsibalikan sila sa mga kwarto nila ngayon.

pagdating sa kwarto ay nilapag ko ang bag ko at ang paper bag ng jollibee sa mesa ko ay dumiretso sa kama ko para mahiga.

"hoy unique, magbihis ka nga muna!" pagbawal sa'kin ni kuya zild habang nag-aayos-ayos ng gamit n'ya.

"maya-maya, kuya," tinatamad kong sabi at ipinikit ang aking mga mata.

~••

a/n: another boring chapter eek

ambivalent; blasniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon