i

66 1 16
                                    

blasnique

dedication:
• hi drxxxrry! ito na request mo oh. hehe labyu ❤ salamat sa pagbabasa ng stories ko and stuff! hope u like it hart hart

notes:
• ang ganda ng request na 'to pramis huhu
• patawad dahil natagalan ako sa pagsusulat kasi clearance and tinamad si author ta's nawalan pa ng wifi

~••

madilim ang paligid at malakas ang tugtog sa lugar. marami nang nakainom at may mga umuwi na. ang mga natira nama'y naglalandian, tumatambay, o nagkukuwentuhan lang.

isa sa mga 'yon ang isang lalaking nakatuon ang paningin sa isa pang lalaking may kausap na iba sa 'di kalayuan. may inis sa titig n'ya habang patuloy s'yang nagcocomplain sa kaibigan n'yang upper year.

nahihilo na s'ya sa alak na dumadaloy sa kanyang sistema at may pagka-slurred na ang kanyang pananalita. nakatingin sa kanya ng may halong concern si zild.

sinabihan na n'ya ang nakababatang hinay-hinay lang sa pag-inom, ngunit kailan ba nakikinig si unique?

pinanood ni unique na nagkakalapit ang mga mukha ng kanyang pinagtutuunan ng pansin at ang kaninang kausap nito at hindi namalayan ang pagtigil ng kanyang pananalita.

"unique?" nag-aalalang sabi ni zild sa kanyang nakababatang kaibigan dahil sa biglaan n'yang pananahimik.

"saglit lang kuya, ha?" sabi ni unique at tumayo mula sa kinauupuan n'ya sabay baba ng kanyang baso.

"unique anong gagawin m—?" napatigil si zild nang nakita n'ya ang kanina pa tinititigan ng kanyang kaibigan.

dalawang taong naghahalikan sa kadiliman ng party. anuman ang dahilan, iyon ang kinaiinisan ni unique ngayon.

"unique!" pagbawal n'ya, ngunit ito'y hindi narinig. lagot na. alam ni zild na naghahanap na naman si unique ng gulo.

naglalakad na si unique patungo sa kanila at hindi agad na nakatayo si zild para pigilan s'ya. marahas na hinila ni unique paalis ang babaeng dikit na dikit ang katawan sa lalaki sa init ng sandali.

napatakbo palayo ang babae sa hiya sa parehang sandaling nagsimulang sumigaw si unique:

"hoy malanding silonga! tigilan mo nga 'yang kalaswaan mo! sa tingin mo nakakatuwang panoorin ang dalawang taong nagsisipsipan ng mukha? hinde! kaya pwede ba? learn to get a room naman tangina!"

napasandal si blaster, ang lalaki kanina, sa kanyang upuan sa gulat dulot ng biglaang mga pangyayari, bago napakunot ang kanyang noo kay unique na para bang pilit gumagawa ng eksena.

"ano bang problema mo?!" sigaw n'ya at biglang tumayo.

"ikaw!" sigaw naman ni unique pabalik.

sobrang lapit na ng kanilang mga mukha sa isa't-isa, ngunit hindi nila ito pinansin. sa lakas ng tugtog at dilim ng lugar, para bang wala na 'yon sa kanilang isip.

"bakit ba ang laki ng problema mo sa'kin? ano bang ginawa ko sa'yo?" sabi ni blaster ngayon sa mas mahinahon na boses.

"wala, pero nakakainis ka! hindi kita maintindihan, kaya ako naiinis sa'yo," inis na sambit naman ni unique.

salamat na lang at walang nakapaligid at nanonood sa namumuong gulo kundi si zild at ang ilan sa mga kaibigan ni blaster na may pakialam pa, - nagbabantay sakaling kailanganing awatin ang dalawa.

"eh ano naman kung may kahalikan ako? sa'kin ka lang ba magagalit kung 'yun lang rin naman ang ginagawa ng halos lahat ng tao dito?"

"kasi... k-kasi—!" wala nang masabi si unique, pero marahas pa rin ang kanyang titig kay blaster, na kalmadong hinarap itong suliraning tinatawag kong kadramahan ng isang lasing na unique salonga.

"dahil ba ayaw na ayaw mo talaga sa akin? do you hate me that much?"

kung magkalapit na sila kanina, halos wala nang namamagitan sa kanila ngayon.

"o 'di kaya..." ramdam na ramdam ni unique ang init ng hininga ni blaster sa kanyang mukha. "...nagseselos ka?"

hindi inasahan ninuman ang sunod na nangyari at ang dalawang parating nagbabangayan ay ngayo'y naghahalikan sa dilim.

nagshort-circuit na ang utak ni unique at walang kontrol ang halik na kanilang pinaghatian matapos.

para bang lahat ng inis at galit ay dinadaan na lang dito na dulot ng tensyon at kalasingan at anumapang maaring sumanib sa kanila noong gabing iyon.

kalauna'y pinaghiwalay ang dalawa. natapos ang party at nagsiuwian na ang lahat. sumikat na ang araw ng kinabulasan na walang kaalam-alam sa anumang nangyari noong gabing iyon.

nang dumating ang hapon kinabukasan, nagising si unique nang may nakakabahalang hangover sa dorm room na pinaghahatian n'ya at ng kanyang kaibigang si zild.

matapos ang lahat, alalang-alala ni blaster kung gaano ka-nakakaadik ang mga labi ni unique noon. si unique naman ay walang matandaan, ni isa — lalo na sa parte ng halik.

ano ba talagang ibig sabihin no'n? hindi na maintindihan ni blaster ang kanyang nararamdaman. karibal n'ya si unique salonga, 'di ba? pero bakit gano'n?

why did it feel so right to put my lips on his?

ambivalent; blasniqueWo Geschichten leben. Entdecke jetzt