iii

37 1 0
                                    

| u n i q u e |

nakatambay kami sa caf ngayon. nagpatulong ako kay kuya zild sa isang concept para sa homework naming due kinabukasan at si gelo ay may ka-text na naman.

hindi ko sigurado kung sino 'yun, pero kakilala ko daw. siguro 'yung naging kaklase ko nung grade 6 na kinakaibigan n'ya? ano ulit pangalan nun? kai or chai or something ewan. basta si lumagbas 'yon.

maya-maya'y may dumaan sa table namin. si blaster at ang isa sa mga katropa n'ya. niliitan ko sila ng mata sa suspisyon pero hindi nila 'to napansin kaya't bumalik na ako sa pagbabasa.

"uy gelo, kamusta naman?" sabi ng isa sa kanila.

'yung upper year na 'yon ay si kuya badjao, if i'm not mistaken. s'ya 'yung tahimik na matalinong laging inaannounce na panalo sa interschool contests.

cute s'ya pero hindi ko s'ya crush, okay? pwede naman 'yun 'di ba? at wala akong crush, 'no?! kahit papi at mabait 'yan, katropa pa rin 'yan ni blaster. offlimits na agad 'yon.

"kuya badj, blaster, hello!" bati naman ni gelo sa kanila. "napadaan kayo?"

patuloy lang akong pa-scan-scan sa libro ko at kunyaring nagbabasa. si kuya zild naman, ka-text na si shanne, pero alam kong nakikinig rin s'ya sa usapan.

"iinvite ka sana namin sa party ngayong friday? after classes 'yon," sabi ni blaster.

"malamang!" tumawa si gelo ng saglit. "pero sige... wala namang kaming quizzes sa monday. saan ba?"

pinag-usapan nila ang venue at iba pang mga bagay at nalaman kong pupunta ang ilang officers sa party na 'yon. siguradong imbitado na 'yang si zild.

so ganun? iiwanan ako? wow naman.

"isama mo na rin kaya 'tong mga kaibigan mo?" rinig kong suhestiyon ni kuya badjao. ay okay.

kunyari akong nabigla sa pagkabanggit sa amin at tumingin ako mula sa librong 'binabasa' ko. napansin kong napatuwid ng tayo si blaster sa pagkasabi no'n at mukhang 'di komportable sa sitwasyon.

ayaw din kitang makasama, gago, sabi ko sa isip ko. lalo na sa party na may inuman. huling bagay na gusto kong makita may kahalikan s'yang kung sino na naman.

"ano? kuya zild? unique? g ba?" pagtatanong ni gelo sa amin.

"party? go lang kami. wala ka namang quizzes or tests monday next week, 'di ba, 'nique?" sabi ni zild. kung nakamamatay ang tingin, sumakabilang buhay na si zild ngayon sa sama ng titig ko sa kanya.

"wala naman..." pilit kong sinabi nang hindi pinapahalata ang pagkainis ko.

"sige. see you guys." sabi ni kuya badjao, tapos tingin kay kuya zild. "ikaw si zildjian benitez 'di ba? from class a?"

"ah, yes. christian gabriel, right? class c?" tugon naman ni zild. wow ang formal yata masyado? typical kuya zild.

"badjao o badj na lang," sabi ni kuya badjao, tapos sunod tawa. ang cute ng tawa n'ya shet. (ang bakla mo unique shet) "sige alis na kami. nice to meet you zild, unique."

namilog ang mata ko sa gulat sa pagkasabi n'ya ng pangalan ko, pero nakatalikod na s'ya at si blaster at naglalakad na paalis.

"paano n'ya ako nakilala? what the f?" sabi ko sa sinumang nakikinig. a.k.a. kuya zild and gelo.

"ah, naikukwento ka kasi ni blaster minsan," sabi ni gelo, ta's biglang takip bunganga. "shit, secret na lang natin 'yon ah? mapapatay ako nu'n 'pag nalaman n'yang nasabi ko 'yun."

"as much as gusto kitang mamatay, mas hindi ako willing kausapin 'yon," pananaray ko kay gelo. "oonga pala, anong oras na oh! kala ko ba susunduin mo 'yung girlpren mo?"

"shit oonga!" at nagmadaling magligpit si gelo ng gamit n'ya.

nag-ayos na rin ako at si kuya zild ng gamit namin.

naglakad na si gelo paalis at nagpaalam. "at hindi ko girlfriend si chy!" sigaw n'ya habang tumatakbo patungo sa parking.

so ayun pala ang pangalan n'ya. "hindi pa!" sigaw ko naman pabalik.

maya-maya'y nakita ko na si shanne na papunta dito. binati s'ya ni zild sa isang yakap.

hindi na ako nakinig sa mga pinaguusapan nila at naghintay na lang sa gilid habang linilinis 'yung mga kuko ng daliri ko.

"'nique, tara na!"

ambivalent; blasniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon