Kaya nag bake nalang muna ako ng cookies. Pagkatapos mag bake ay inilagay ko iyon sa isang transparent na plastic na lalagyan ang tied a red ribbon. Pagkatapos ay inilagay ko iyon sa paper bag.

I drove my car off at nang nakaabot na ako sa unit niya ay agad kong pinindot ang doorbell.

I'm so excited to see him again. Sa tingin ko kasi ay umaasenso na ako. Dahil inihatid niya ako nung gabing iyon at pinahiram niya pa ako ng hoodie niya.

I pressed the doorbell again when he didn't open the door. What took him so long? Natutulog pa ba siya? But it's already one p.m. Or maybe he's taking a shower.

Pero bakit kinakabahan ako? Bakit feeling ko may ibang tao sa loob? Why am I nervous and there is something in my system that I can't uderstand?

Bakit parang may nangyayari sa loob na parang kinakabahan ako at hindi ko maintindihan?

Nang bumukas iyon ay agad na nawala ang ngiti ko nag ang bumungad sa akin ay isang half-naked na Giro at nang nakita ako ay agad na lumitaw ang ngisi sa labi niya.

As in kada bukas nalang ba ng pintong ito ay masosorpresa ako? What's next? Pagkabukas ko multo ang sasalubong sa akin?

"Vienna right? Seth's uh... Seth's something?" Ngisi niya.

What? Anong Seth's something?

"Nandyan ba si-"

"Si Seth? Yes naman." Sabi niya at lumingon sa loob.

Hindi pa nga ako tapos eh! Si Marco ang hinahanap ko at hindi si Seth! Nakakainis ang lalakeng to ang sarap sipain ang mukha!

"Concepcion! May naghahanap sa'yo. A very beautiful lady. Come here." Sigaw niya sa loob pagkatapos ay hinarap ulit ako at kinindatan.

I stopped myself from rolling my eyes.

"Cookies! Para sa'kin ba yan?" Nakangising tanong niya habang sinulyapan ang paper bag na dala ko.

At bakit ko naman siya gagawan ng cookies? Bakit? Close kami?

"Ang kapal ng mukha mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

He just chuckled.

"Hindi naman ah? Gwapo lang." Sabi niya at kinindatan ulit ako.

Ang hangin! Ang kapal! Ang hambog!

"Sino?" Narinig kong papalapit na boses ni Seth mula sa loob.

Mabuti nalang at paparating na si Seth kundi na flying kick ko na tong mahangin na lalake sa harap ko.

"Pasok ka." Sabi niya at nilakihan ang bukas ng pinto.

At ngayon niy palang ako pinapasok ah? Ang sarap talagang sipain.

Inirapan ko muna siya bago ako pumasok. Narinig ko naman ang mahinang halakhak niya bago ko narinig ang pagsarado niya ng pinto sa likod ko.

At agad kong nakita si Seth na papalapit sa akin. And take note, nakasablay lang yung shirt niya sa kanang balikat niya. Like ano bang trip nilang dalawa?

"Vienna!" Masayang tawag niya at akmang yayakapin na sana ako nang tinulak ko siya at napasimangot naman siya.

"Wag mo akong mayakap yakap dahil galit ako sa'yo."

Yes! Naalala ko pa nung hindi niya ako pinagtanggol sa Kylene na yun! Hinayaan niya lang na lait laitin ako ng babaeng yun!

"Woah! Lovers quarrel?" Panunuya ni Giro na nasa likuran ko parin.

Ang hangin na, sumasabat pa sa usapan ng may usapan!

Nilingon ko siya at tinitigan ng masama. Itinaas niya naman ang dalawang kamay niya bago ngumisi at iniwan kami doon ni Seth.

He sighed.

"Remember that girl I told you before? The one I love?" Mahina niyang tanong.

Oh yes. Yung sabi niya na hindi siya magkakagusto sa akin dahil may mahal na siya... Oh. My. Gosh. 'Wag niyang sabihin na si...

"Oh my gosh! Totoo? Oh gosh!" Hindi ko na napigilan ang mapatili.

At tangina, ginamit niya lang rin ba ako para pagselosin si Kylene? Ang sama sama!

Agad namang napatawa si Seth at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya at hinawakan ang ulo ko gamit ang isang kamay niya.

"What's going... tangina." Nakita ko si Race na kalalabas lang galing kusina kasama sina Axe at Marco.

Pero ang ikinabalaha ko ay kung bakit wala silang shirt lahat! Oh god! Magkaka heart attack ako nito!

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now