Chapter 11

6.6K 147 3
                                    

Boyfriend

Empty.

That is what I am feeling at the moment. I feel empty. And no matter how hard I try to fill this emptiness, mas lalo lang yatang lumalala.

Daddy noticed that something's strange in me. Kaya nung sinabi niyang babalik nalang muna ako ng Santorini to be with my relatives ay pumayag agad ako. I think I needed this break.

I let myself have fun in there. No Mommy. No Marco. Wala akong ibang inisip kundi ang sarili ko at ang magpakasaya. And I enjoyed too much na nalungkot ako when I realized na klase na next week.

Halos one month na pala ako sa Greece at hindi ko man lang namalayan. Ang bilis talaga ng oras. Kasing bilis ng pag mo-move on ko... Or maybe not.

Wearing a white shirt, a jeans and a white sneakers, I entered my first class. Yes, I want to be comfortable in what I am wearing. Wala ako sa mood na mag-ayos sa sarili ko. Wala naman kasi akong kaibigan para maging excited sa pagbabalik ng klase.

And I told Marco that I will try not to love him so hindi na muna ako lalapit sa kanya kaya bakit pa ako maeexcite na pumasok?

Hindi nagkaroon ng lecture sa unang klase ko. Binigay lang sa amin yung mga requirements at ang mga dapat naming ma-accomplish by the end of the semester.

Pagkatapos ng unang klase ay may one hour vaccant time ako kaya dumiretso ako sa cafeteria para doon na muna tumambay habang hinihintay ang susunod kong klase.

I ordered an avocado shake and took a pocket book out para magbasa nalang muna habang naghihintay. Bakit ba kasi wala akong kaibigan eh! Ayan tuloy, ang loner kong tingnan.

"Hi! Can I sit with you?" Narinig kong boses ng isang lalake.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya mula sa pagbabasa ng pocket book. And then I saw a guy, just the same as my age maybe, in front of me.

At hindi ako nakapaniwala sa nangyayari ngayon. Totoo ba to? May nakiupo sa table ko? End of the world na ba kaya pinagbigyan ako ng langit sa hiling ko?

"Sure." I smiled.

"Thank you."

Nagtagal ang titig ko sa kanya. Napansin kong ngayon ko palang siya nakikita at hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. With this face, imposibleng hindi siya sikat dito at hindi ko siya kilala.

I heard his chuckle.

"Wag mo naman akong tingnan ng ganyan. Baka matunaw ako."

At tsaka ko lang napagtanto na sobrang obvious ko pala masyado sa pagtitig sa kanya.

"Sorry. Ngayon lang kasi kita nakita." I said.

He smiled. Ang gwapo ng ngiti ng lalakeng to.

"Nag shift kasi ako ng course at wala namang law doon sa dati kong inaaralan kaya..." Sabi niya at nagkibit ng balikat.

My eyes widened a bit. Madalang nalang ang gustong maging abogado ngayon! And I've met one of them! Kaya pala bago siya sa paningin ko dahil hindi pala talaga siya dito nag-aral.

"Bakit ka nag shift?" I'm courious, alright.

"My dad wants me to study law. Pinagbigyan niya lang ako noong first two years ko pero... uh..." Sabi niya at parang nahihirapan ng dugtungan.

"Oh! You don't need to continue if it's too personal. I'm sorry." Sabi ko at napatawa nalang sa kuryosidad ko.

Buti nalang pala at hindi ganoon ka strikto si Daddy pagdating sa pag-aaral ko. I took up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management kahit gusto niyang business administration ang kunin ko. Pero pinayagan niya naman ako.

"It's okay... By the way, I'm Alexander Jacob Maravilla. Call me Lex." Sabi niya at naglahad ng kamay.

Woah. Magkaibigan na ba kami?

"I'm Vienna Velasquez." I smiled.

Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang may dumaan sa mesa namin at nabangga iyon dahilan para matumba at matapon ang avocado shake ko.

Agad akong napatayo nang kumalat iyon at nabasa na ang pocket book ko.

Ang walang hiya ng taong bumangga sa mesa namin ah? Malaki naman siguro yung daanan at hindi naman siguro siya bulag? Nakakainis talaga! At hindi man lang siya nag sorry!

Nilingon yung taong bumunggo only to see a familiar back. At alam na alam ko na si Marco iyon. Naglalakad na siya palayo na para bang walang nangyari.

"Here. Use this." Sabi ni Lex kaya napalingon ulit ako sa kanya at binigyan niya ako ng tissue.

"Thank you." I smiled at agad iyong kinuha para mapunasan ang libro ko.

Pero habang nagpupunas ay hindi nawala sa isip ko si Marco. Why would he do that?! Ang sama niya talaga kahit kailan! Bakit ko nga ba siya nagustuhan eh sobrang sama niya!

Pero bakit niya naman iyon gagawin? Baka nabunggo lang talaga siya?

"Who was that?" Tawa ni Lex nang bumalik na kami sa pagkakaupo.

"W-Wala. Hindi ko kilala yun. Hayaan mo na."

Baka kung sabihin ko kung sino iyon ay mas mag kwento pa ako sa kanya ng tungkol kay Marco at magigiba na naman ang lahat ng pinaghirapan ko.

"Bakit nga pala wala kang kasama dito?" He asked.

At napa-irap nalang ako sa hangin dahil sa tanong niya.

"Sino naman ang isasama ko? Wala naman akong kaibigan." I shrugged.

Kumunot ang noo niya na para bang may sinabi ako na hindi kapani-paniwala. Totoo naman talagang wala akong kaibigan ah? Maliban nalang kay Seth that is nowhere to be found at the moment.

"Really? May tao bang walang kaibigan?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"You've just met one." I lazily said.

Tumawa naman siya sa sinabi ko. Such a genuine laugh. Nakakasaya palang makakita ng taong tumatawa.

"I'm here now so may kaibigan ka na." He said then winked.

Oh really? Yes! May dalawang kaibigan na ako! That's many because it is more than one. So I can say that I have many friends!

"Really? Thank you!" I happily said.

Ang babaw ko talagang tao. Simpleng bagay lang ay ikinatutuwa ko na. Pero madali rin akong mainis kahit simpleng bagay lang rin.

May napansin akong babaeng lumapit sa table namin na may dalang avocado shake. I think isa siya sa in charge na faculty dito sa cafeteria dahil naka all white siya. At nakatingin siya sa akin kaya hinintay ko na makalapit siya.

"Pinapabigay daw po ng boyfriend niyo." Sabi niya at inilapag ang shake sa harap ko at may kasama pang note.

Napataas ang kilay ko at napatingin kay Lex na nakatingin lang doon sa shake na inilapag ng babae na ngayon ay nakaalis na.

What the? Boyfriend ko? Kailan pa ako nagkaboyfriend? Oh gosh! May instant boyfriend narin ba ako? What the hell is happening?

Agad kong binasa ang note dahil baka hindi iyon para sa akin at nagkamali lang yung babae.

'Stop flirting with him Vienna, unless you want me to punch him straight on his face.'

Agad na nanlaki ang mata ko sa nabasa. Para sa akin nga ito dahil nakasulat ang pangalan ko! Nilingon ko ang paligid at wala naman akong nakikitang kahina-hinalang tao. Fuck, may stalker na ba ako ngayon?

"Hinahanap ka ng boyfriend mo?" Tanong ni Lex kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"No! I don't have one. Baka kung sino lang." Sagot ko.

"That's good to hear." Sabi niya at tipid na ngumiti.

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now