Chapter 1

9.9K 141 3
                                    

Care

Hanggang sa nakabalik na si Marco dala-dala ang ice pack at isang bucket ng ice ay hindi parin tumitigil sa pagtulo ang luha ko.

Sobrang sakit naman kasi!

Inilagay niya iyon sa center table at umupo sa tabi ko, ang isang binti ay nakapatong sa couch para maharap niya ako.

Marahan niyang kinuha ang kamay ko na ngayon ay may isang linya na na namamaga at nilapatan ng ice pack.

Aray!

"M-Masakit." Reklamo ko.

"Sorry." Sabi niya at hinipan ang kamay ko.

Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa kamay ko na para bang nakedepende doon ang buhay niya.

This is why I love him.

He acts like he doesn't care pero bakit ganito? Ang paasa lang putangina.

Kahit noong kami pa. Ganitong ganito siya kung mag-alaga. Kaya sinong tao ang hindi mahuhulog sa kanya?

Unless ganito talaga siya sa mga naging babae niya? Bwisit!

Aksidente niyang nadiinan ang kamay ko kaya agad iyong sumakit ulit.

"Aray!" Sabi ko at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I'm sorry. Masakit ba talaga? Dadalhin na ba kita sa ospital?" Marahan niyang taong.

And when I heard that word, 'hospital', my eyes immidiately widened.

"No! Malalaman to ni Daddy, tapos papagalitan niya ako, hindi niya na ako ipapalabas ng bahay, tapos maghihire na naman siya ng bodyguards para-"

"Shh..." He said then pressed his thumb on my lips while holding my face na nagpatigil sa pagsasalita ko. "Hindi na kita dadalhin doon okay?" Sabi niya habang nasa labi ko parin ang daliri niya.

At tanging tango lang ang naging tugon ko.

"Now give me your hand kung ayaw mong dalhin kita doon." He said with authority.

Kaya mabilis kong ibinigay ang kamay ko sa kanya.

After he gave my hand a cold compress ay hot compress naman ang ginawa niya. Kaya naibsan na ang sakit nun at hindi na ganun ka sakit tulad kanina.

"Marco..." Tawag ko.

Naramdaman kong natigilan siya ngunit agad ring nakabawi.

"Hmm?"

"Nagugutom ako. Cook for me please?"

Tanghalian na kasi at hindi ko na namalayan ang oras.

Agad niyang binitawan ang kamay ko at nag-iwas ng tingin.

I stopped a smile.

Noon kasi ay pinapaluto ko siya kahit hindi naman siya marunong kaya ang nangyayari ay sunog sunog ang mga luto niya.

Tanging pasta lang ang alam niya.

"Please?" Ulit ko.

"Kung gusto mong kumain, umuwi ka na. I will not cook for you." He coldly said.

Ang sama.

"Okay! If you will not cook for me, then I will cook for us." Sabi ko at tumayo at dumiretso sa kitchen niya.

Pagkarating ko ay agad kong binuksan ang ref at...

Really?

Puro beer in can ang laman!

At may iilan ring spices ang nandoon.

Binuksan ko naman ang cupboard at puro instant foods ang nandoon. At maraming maraming pasta.

Hindi na nagbago.

Ano bang lulutuin ko? Hmm...

Arrabiata!

May tomatoe sauce, garlic, parmesan, parsely, bacon and pepperoncini. Great!

Kinuha ko ang mga kakailanganin kong ingridients. At bago ko pa masimulan, may kamay na na humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.

At salamat naman at may suot na siyang shirt ngayon.

"Namamaga pa ang kamay mo. Sit there. Ako na ang gagawa."

Really?

I smiled widely at him at agad na umupo sa pinakamalapit na high chair.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagluluto. At imbes na walang gawin, kumuha ako ng mga kubyertos at inihanda iyon sa counter.

But I am so careful to not hurt my hand of course.

Lumabas rin ako sa kitchen para kunin ang cake na binake ko. Nag slice ako ng dalawa at nilagay iyon sa dalawang platito.

Pagkatapos ay ibinalik ko iyon sa box at inilagay sa ref niya nang may pumasok sa isip ko. Nilingon ko siya at parang medyo matatagalan pa siya kaya kumuha ako ng isang beer in can.

Bubuksan ko na sana iyon gamit ang kaliwang kamay ko (yung namamaga) pero wala palang lakas iyon. At kung ang kaliwang kamay naman ang ihahawak ko ay sasakit din iyon. But I'm just using this ezcuse para magpapansin kay Marco, of course.

Kaya lumapit ako kay Marco. I poked his shoulder using my index finger twice.

"What?"

"Open this for me please?" Sabay abot ko sa beer.

Bumaba ang tingin niya doon at kumunot ang noo niya.

"Tanghaling tapat iinom ka? Are you a drunkard? Give that to me." At kinuha niya iyon at ibinalik sa ref.

Wow! Did he just called me a drunkard?! But maybe... a little? But it was just out of curiousness! Kaya ako umiinom ng kung ano ano!

"Hindi ako lasinggera! Isang can lang naman! At wala naman kasi akong gagawin eh!" Reklamo ko.

"Malapit na akong matapos. So just sit there and wait kung ayaw mong palabasin kita." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa niya.

I rolled my eyes without him knowing it. He really is so mean!

"Sungit." I murmured.

"Come again?" Bahagya niya akong nilingon.

He heard that?

"Wala!"

At kumain na kaming dalawa. And yes, masarap siyang magluto ng pasta. At nang ipapakain ko na siya ng cake ay ayaw niya pa sa una dahil ang pangit daw ng pasta at cake na combination.

But I really nagged him to eat dahil gusto kong makita ang reaksiyon niya. And when he said that it's good, I'm the happiest girl alive.

Ang arte. Pero kumain rin naman.

"Marco, can I come here again tomorrow?" Tanong ko nang natapos na kaming kumain.

Hindi siya sumagot. He just looked at me with coldness. Is his silence means yes? Am I making a progress?

"Yes ba yung sagot mo? At may progress na ba ako? Because you healed my bruise earlier. So pwede akong pumunta dito tomorrow, the day after tommorow and the next day after-" He cut me off.

"Look, Vien. What I did earlier means nothing to me. Ako ang may kasalanan sa nangyari sa'yo so it's my responsibility. At ngayong magaling na yung kamay mo, you may leave and no, hindi ka pwedeng bumalik dito." Sabi niya at parang may sumampal sa buong pagkatao ko.

Pagkatapos ng sinabi niya ay agad niya akong iniwang mag-isa na tulala sa sinabi niya.

Akala ko pa naman ay umuusad na ako. He cared for me earlier! He even kissed my hand! And he also cooked for me! Pero wala lang pala iyon sa kanya?

Leche!

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now