Part 17

475 5 1
                                    


Kylie?

Kinalkal ko ng mabilisan ang memorya ko, baka sakaling may maalala akong binanggit ni Shey na "Kylie" ang pangalan. Pero wala akong maalala. Sino bang Kylie?

Nag-uusap pa din si Tanya at yung Mama niya, tapos ako andito sa may paanan ng hagdan at nakikinig sa kanila. Di ko naman intensyon na pakinggan, pero dinig ko kase sila, kaya nag-stay lang ako dun.

Tanya: Wala naman na sila ni Kylie, Ma.

Tanya's Mom: Akala ko ba mag-uusap pa silang dalawa?

Tanya: Ayaw naman makipag-usap ni Kylie, Ma. Buti nga okay na yung isa. Wag mo na lang banggitin sa kanya, Ma.

Sino ba talaga si Kylie?

Nasa hagdan pa rin ako. At alam kong aakyat din si Tanya at yung Mama niya, ayokong makita nila ako dito. Ayokong malaman nila na narinig ko yung usapan nila. Kung aakyat pa ako, baka maabutan din nila ako sa may hagdan, makikita din nilang galing ako dito sa baba.

So yeah, madalian akong umakyat ng konting hagdan para hindi nila maisip na narinig ko sila, at maka-ilang segundo, lumabas din silang dalawa galing sa kitchen. Sakto lang na nakita nilang pababa ako.

Tanya: Oh Jamie? San ka papunta?

Me: Mag-CR lang sana ako Tanya. Pero di ko alam kung san yung CR niyo dito.

Tanya: Pasok ka lang dito sa kitchen. Yung pinto sa may tabi ng ref, yun yung CR.

Me: Ah sige. Thank you.

Dumiretso na ako. Hopefully hindi sila nag-isip. 😪

Pero ako naman ngayon ang nag-iisip. Isang araw pa lang na nanliligaw saken si Shey, pero gulong-gulo na ako. Ang dami agad ng information na nalalaman ko. Hindi ba pwedeng isa-isa lang? One at a time sana? Sobrang dami ko pa ngang tanong about sa mga sinabi ni Ate Maan, at wala pa akong lakas ng loob na i-open yun kay Shey, tapos meron na agad bagong info?

Nakarating naman ako ng matiwasay sa CR. Sa pag-iisip ko, muntik ko nang makalimutan na kelangan ko nga palang mag-isip ng kakantahin ko sa karaoke. 😭 Ano ba yan, pati kanta sa karaoke pinoproblema ko. Mas madaming ibang malalaking problema ng mundo sana ang kelangan kong isipin. 😩

5 minutes ako siguro sa CR. Hindi ko alam kung aakyat na ba ako. Pero naramdaman kong may tao na sa kitchen. Yung Mama siguro ni Tanya, nakababa na. So lumabas na din ako ng CR. Napatingin si Tita saken, kaya ngumiti din ako.

Tanya's Mom: Hi, iha. Kamusta ka naman? Wag ka masyadong mahiya dito samin ha. Feel at home ka lang.

Me: Thank you po Tita.

Tanya's Mom: Tita Len na lang tawag mo saken. Lahat ng kaibigan nitong anak ko, parang anak ko na din. Jamie nga pangalan, diba?

Me: Opo, Tita Len.

Tanya's Mom: Schoolmate ka ba nila Tanya?

Me: Hindi po Tita. Sa LSU po ako pumapasok. Nakilala ko lang po si Shey dahil sa Ate ko.

Medyo nag-eenjoy naman ako makipagkwentuhan sa nanay ni Tanya. At least hindi ko pa kelangan umakyat sa taas. Hahaha, ayokong kumanta talaga.

Tanya's Mom: Ah, sa LSU ka pala pumapasok? Pwede ko bang matanong, related ka ba kay Maan? Yung volleyball player din dun? Kamukha mo kasi siya.

Me: Siya nga po yung Ate ko. 😅

Medyo mukhang nagulat yung mukha ni Tita Len.

Tanya's Mom: Ate mo pala si Maan? So kilala mo din si Anj?

Me: Ah, opo, yung bestfriend po ba ni Ate?

Tanya's Mom: Oo, siya nga. How about si Kylie? Nakilala mo din ba siya?

I paused. Eto na naman si Kylie.

Me: Kylie? Hindi po Tita. Sino pong Kylie?

- see you on part 18😊

He's a SheWhere stories live. Discover now