Part 2

447 8 0
                                    


Hindi ako nakagalaw. Bakit nya hinawakan yung kamay ko? 😱 Hinigpitan pa niya lalo, tapos ipinatong niya yung kamay namin sa may hita niya. Hala, bakeeet? Bakit parang ang sweet niya? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tuloy pa din sila ng shots sa second bottle. Nakakalahati na sila ng bote, yung iba medyo tipsy na. Nagpaalam sina Ate Maan at Anj na mag-swimming lang daw sila para mabawasan yung pagkahilo. May iba pang umalis din, kaya iilan na lang kaming natira sa table; yung dalawa dun sa mga magjowa, tapos kaming dalawa ni Shey. Bale anim lang kami. May sariling mundo naman yung mga magjowa, kaya kaming dalawa lang din ni Shey ang magkausap.

Shey: Di ka ba magbababad ng konti dun? Hindi ka naman iitim, gabi na.

Me: Di ako mahilig magswimming eh. Tsaka medyo malamig, kaya ayokong maligo. Ikaw? Para medyo mabawasan yang pagkatipsy mo.

Shey: Okay lang, mas gusto ko magstay dito.

Medyo awkward, kase hawak pa rin niya yung kamay ko habang nag-uusap kami. Nahihiya ako, gusto ko bawiin yung kamay ko, feeling ko kase pagpapawisan ako anytime.

Tumungo siya ng konti, umub-ob sa table tapos hiniga niya yung ulo niya sa kabilang kamay niya. Nilapit niya yung kamay kong hawak-hawak niya sa may tiyan niya, tapos tumingin siya saken habang nakahiga pa din yung ulo niya. Lasing na nga 'to, sabi ko. Nagiging chinita na din siya, halatang inaantok na.

Shey: Jamie, may boyfriend ka na ba?

Me: Ha? Wala, no boyfriend since birth ako eh. (Bakit naman kaya niya natanong?)

Shey: "Eh pano kung sa babae din yung maging unang relationship mo, okay lang sayo?

Hala😱 Anong tanong naman kaya yun. Narinig ko naman ng malinaw yung sinabi niya, pero sinagot ko siya ng "ha?", tapos kunwari hindi ko naintindihan. "Wala..," sabi niya. Phew. 😪 Hindi ko alam kung anong isasagot ko dun, buti na lang.

Medyo nailang ako lalo, kaya naisipan kong magpaalam sa kanya, sabi ko mag-cr lang ako. Hinihila ko na yung kamay ko, pero sabi niya "Ayoko, dito ka lang," tapos hinihila niya pabalik yung kamay ko. Sabi ko saglit lang ako, then finally, "Ikaw naman. Joke lang. Sige na, ihi ka muna. Parang ikaw yung madaming nainom eh. Balik ka dito ha." Natawa lang ako, tapos binitawan niya yung kamay ko.

Medyo malayo yung CR dun sa table na pinwestuhan namin. Medyo malayo pa ako sa CR nang medyo may naaninag akong dalawang babae malapit sa may pinto. Madilim na pero may ilaw naman na nanggagaling dun sa may CR at bawat table na malapit dun. Naglakad pa ako palapit kaya mas nakilala ko ng malinaw yung dalawang babae, si Ate Maan at si Anj. Sa paglapit ko na yun, mas nakita ko din ng malinaw kung anong ginagawa nila. Si Ate Maan at si Anj, nagkikiss sila?!😱

He's a SheWhere stories live. Discover now