Part 11

219 1 0
                                    

Sa puntong 'to naiiyak na ako. Naiiyak ako dahil sa nalaman ko. Naiiyak ako dahil sa pag-aaway namin na 'to ni Ate. Magkakahalo na...

Hindi ako makasagot. Totoo ba yung sinabi ni Ate? O baka galit lang siya at ayaw niya si Shey para saken kaya nasasabi niya yun? Pero hindi naman ganung klaseng tao si Ate eh... Nakikita ko sa muka niya na totoong lahat yung sinasabi niya.

Medyo kumalma siya nung nakita niyang umiiyak na ako. Hindi pa rin ako umiimik, kaya dun niya inumpisahan yung kwento sa kanilang tatlo nila Anj at Shey.

ATE MAAN's STORY:
"Nung first year kami, schoolmate namin si Shey. Dito din siya sa school pumasok, pero iba yung course niya. Naging teammates kami sa volleyball kaya nakilala namin siya ni Anj. Close na kami nun ni Anj, bestfriends na kami, pero muntik na yung masira kase napalapit siya kay Shey. Nawalan siya ng time na makipagbonding saken.

Hindi ko alam nun, pero ang dahilan niya lagi saken dumidiretso na siya agad sa bahay kase ayaw daw ni Mama niya ng ginagabi siya. Madalang na lang kami lumabas nun, 4 months din siguro na ganun. Pero kita ko kung gaano sila mas naging close ni Shey, lalo tuwing nagtetraining kami. Minsan tumatawa na lang sila sa kwentong silang dalawa lang ang nakakagets.

One time, nagtext sakin 'tong si Shey. Nagtatanong siya about sa training namin. Kahit inis na inis ako sa kanya nun, nagreply pa rin ako. Simple lang yung naging reply ko sa kanya, pero makulit siya. Text ng text. Nung nagtagal, naenjoy ko makausap siya kahit through text lang, tapos medyo napalapit na ako sa kanya.

One day, biglang nagpaalam siya na manliligaw saken. Kahit through text lang, pumayag ako. Hindi ko sinabi lahat ng yun kay Anj, kase baka pangit ang isipin niya at pumatol din ako sa babae. Hindi ko naman naisip nun na yung closeness nila ni Shey, may ibang meaning na din pala.

One week siguro after nun, sa gym, nahagip ng mata ko yung phone ni Anj, nakita ko na wallpaper niya yung picture nila ni Shey. Ang sweet nila sa picture. Dahil dun, naisipan ko siyang iconfront, dun ko nalaman na 3 months na pala sila ni Shey.

Hindi ko agad nasabi kay Anj yung pagpapaalam na manligaw saken ni Shey. Ayokong masaktan siya, at ayokong isipin niya na nang-agaw ako. Hindi na din naman nagparamdam saken si Shey after nun. Pero nung nakita kong mas nagiging close pa sila, sinabi ko kay Anj lahat. Lahat ng text ni Shey ipinabasa ko sa kanya.

Umiyak saken si Anj. Bestfriend ko pa lang siya nun, pero nasaktan din ako para sa kanya. Naghiwalay sila after nun, pero never nagpaliwanag si Shey sa aming dalawa, o kahit kay Anj man lang. Buti nga umalis na din yan after nung first year. Nawalan siya ng scholarship kaya napalipat siya ng school."

Hindi ako umiimik. Umiiyak lang ako. Hindi ko maprocess lahat ng sinabi ni Ate. Hindi ko maisip na ganun ang totoong ugali ni Shey. Sweet kase siya, mabait, makwento, wala akong masabing negative sa kanya. 😞 Ni isa sa mga sinabi niya tungkol kay Shey, hindi man lang sumagi sa isip ko. Sana tinitrip lang ako ni Ate Maan. 😞

Nung hindi ako nagsalita, umimik ulit si Ate.

Ate Maan: "Hindi lang si Anj yung niloko niya, ako din Jamie. Alangan naman na hayaan lang kita dun sa Shey na yun?! Pasensyahan tayo, pero hindi ko magugustuhan yung babaeng yun para sayo."

Tumalikod siya at pumunta sa may kama niya. Nag-ayos siya nung mga gamit niya. Hindi na ulit siya nakipag-usap saken. Ako naman, humiga sa kama ko. Hawak ko yung phone ko, may 4 missed calls galing kay Shey at 7 text messages.

"Nakasakay na ba kayo ng jeep?"
"Sa jeep na ako Jamie. Ingat kayo pauwi ha. 😘"
"Andito na ako sa bahay po. Hindi ka po nagrereply? 😞"
"Hindi ka din sumasagot sa tawag ko. Busy ka po?"
"Jamie?"
"Miss... kahit isang text lang po."
"😞"

Hindi ako nagreply sa text niya. Hindi ko din kase alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung kakausapin ko pa siya.

Nag-open ako ng facebook ko. Dun ko nakita yung Friend Request ni Shey para saken. Nagdadalawang-isip pa ako kung i-confirm ko, pero nakita ko yung profile picture na gamit niya; yung picture naming dalawa sa may tabi ng dagat na naka-kiss siya sa right cheek ko. Naclick ko agad yung "confirm" para maopen ko yung profile niya. At dun.. nakita ko yung mga recent posts niya.

Yung isa.. picture namin sa boat nung nagstop kami sa mga jellyfish, yung background namin eh yung dagat tapos hawak-hawak niya yung ulo ko. The caption reads, "I crave a love so deep the ocean would be jealous."

Yung pangalawa naman, yung picture namin sa tabing dagat din na pisil-pisil niya yung ilong ko. The caption, hindi ko kinaya. "CAN YOU JUST HOLD MY HEART— FOREVER?"

He's a SheWhere stories live. Discover now