Kuryosidad

416 3 0
                                    

"Hayop ka!" Malakas na sigaw ni Esmeralda sa kaniyang kaharap. Ang kanyang boses ay umalingawngaw maging sa labas ng tahanan, dahila para pag-usapan na naman siya ng mga tao.

"No'ng nakaraan ka pa e! 'Di ka na ba magbabago?" Muli ay umalingawngaw na naman ang malakas niyang boses, kasabay ng paghampas nang takip ng kaldero sa pader. Bumuo ito ng kakaibang ingay na nagpasakit sa mga tenga ng mga nakarinig.

"Si Esmeralda na naman."

"Umagang-umaga ay dumadada na naman siya."

Lumalago na ang usapan ng mga kapitbahay, muli't muli na namang naungkat ang mga nangyari no'ng nakaraan para may pag-usapan ang mga ito. Ang mga walang alam ay nagtatanong, at ang nakakaalam naman ay nagke-k'wento. Ang iba ay sanay na; ang iba ay hindi pa rin makasulong mula sa kaganapan sa bahay ni Esmeralda araw-araw.

"Ibinibigay ko naman ang gusto mo! Pinapakain ka kita ng ayos! Pero ano na naman ito?!"

Napantig ang mga tenga ng batang si Joseph, bumibili lamang siya ng itlog para sa umagahan nila nang marinig ang boses ng babae. Dahil sa kuryosidad ay lumapit siya sa mga taong nagtitipon-tipon sa tabi ng bahay nito.

"Ano pong nangyayari?" Maraming napalingon sa musmos na boses ni Joseph. Hawak-hawak plastic na pinagsidlan ng itlog ay humawak siya sa damit ng ale na pinagtanungan.

"Huwag ka ng makiusyoso," saad nito pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang kuryosidad na nararamdaman niya.

Lumapit ang bata sa tabi ng bintana nina Esmeralda para makita ang nangyayari. Pilit sumilip kahit mas matangkad ito sa kanya. At nang magawa niya, muli na namang sumigaw si Esmeralda.

"Ano?! Bumalik ka rito! Kinakausap pa kita!"

At agad na lamang namutawi ang pagtataka ng bata sa kaniyang nakita. Kumaripas ng takbo ang kausap ni Esmeralda paalis ng bahay, at ang babae ay nagsisisigaw pa rin. Inilalabas ang galit sa mga sigaw dahil sa nawalang ulam na para sana sa umagahan.

"Ikaw talagang pusa ka!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now