Blocked

439 2 0
                                    

  Iniisip ko kung may patutunguhan ba ang lahat. Matagal na ng huli kong maranasan ang emosyong ito, pekeng ngiti, pagsikip ng dibdib at madalas na pagbagal ng oras ng buhay ko. Ako ang unang lumayo, ako ang unang umunawa, ako ang unang umitindi at ako ang unang iniwan. Iniisip ko kung may patutunguhan pa ba, ang nararamdaman ko na unti-unting nabuo simula ng mawala siya.

 Sabihin na nating... isa ako sa mga taong walang pakialam sa iba. Pero pagdating sa kanya, tinanong ko na ang lahat para masiguro kung ayos lang ba siya. Hindi inisip ang mangyayari, siguro kasi alam kong hindi pwede. Pero pilit kong inintindi. Kung sana binigyan pa niya ako ng pagkakataon. Pagkakataong sana iparamdam ko ang emosyong nabuo noong nawala siya. Pero ano pa ang magagawa ko kung masaya na siya. 

 " Kamusta ka na? " isang katanungan na madaling sabihin sa kanya, pero hindi kayang bigkasin gamit ang sariling salita. Iniisip ko kung may karapatan pa ba? Pero naaalala kong, sa simula palang ay wala na talaga. Ilang beses tumulo ang mga luha ko, baka sakaling masabi ko ang salitang gusto kong iparating sa kanya. Sana, kaya ko pa. 

 " B-bakit ang lamig mo? " mahina kong tanong. Kasabay ang pagbundol ng kaba sa puso ko. Matapos ang ilang pagdadalwang-isip. Matapos ang ilang tipa at bura. Matapos kong magpanggap na ayos lang sa harap niya. Nasabi ko na rin ang gusto kong iparating. Ang iparating na nagbago na siya. Nanikip ang dibdib, kinabahan sa mga susunod na sandali. Tatlong tuldok na paulit-ulit na umaalon na nagpapakaba pa ng puso kong kanina pa kumikirot. Sana, sana hindi. Sana ayos parin. Kasabay ng paglitaw nito ang biglaang pag-ere ng boses niya papunta sa mga tenga ko.

 " Sorry. "Nanginig ako, nanginig dahil nag-iinit na ang mukha ko at nagsimula ng magtuluan ang mga luha ko." Bakit? "Ilang tipa at bura. Marami akong gustong sabihin, gustong iparating pero ako na mismo ang bumakod sa mga iyon. 

 " Layuan mo na lang ako. " 

 Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ba. Pero pakiramdam ko naestatwa ako. Tumigil ang pagtibok ng puso ko at naging blangko ang utak ko. Sobrang daming nagbago, maging siya at ako. Ang inaasahan ko sanang tayo, hanggang sa panaginip na lamang iyon.

 Salamat sa tatlong buwang pagkakaibigan at dalawang buwan na pagmamahal sayo. Pero kung ikaw na mismo ang nagsuhestiyon na lumayo ako, ano pa bang ibang desisyon na magagawa ko? Sa limang buwan na nakilala kita, panandaliang umikot ang buhay ko sayo. Sa mga tawa mo. Sa mga kalokohang sabay nating inaalala. Siguro isa na nga lamang itong paalam. Kahit h'wag mo na direktang ipaalam. Ako ang unang umintindi sa mga panahong alam kong gusto mong mapag-isa. Ako ang unang umunawa sa mga panahong alam kong hindi rin sa akin umiikot ang mundo mo. Nang dahil sayo, natuto akong umitindi ng kapwa ko. Nang dahil sayo, muli akong natutong magmahal noong mga panahong nalimutan ko na ang pakiramdam niyon. Salamat at nakilala kita. Hanggang dito na lamang, paalam. 

 Mahal na mahal kita.  


Huling naibulong ko saka ko ibinaba ang telepenong hawak ko bilang kumonikasyon naming dalawa. Dahil sa chat lang naman nagsimula ang lahat.

Dagli (Compilation)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα