Camera

610 2 0
                                    

Nakasanayan kong panoorin siya lagi. Nakasanayan na ng sistema kong makita siya. Nakasanayan ko ng marinig ang malamig niyang boses. Nakasanayan ko ng pakinggan ang tawa niya. Pero kahit nakasanayan ko na iyon, patuloy parin pinapakabog ng puso ko ang bawat siya. Ang boses niya, ang ngiti niya, ang tawa niya. Hindi kumpleto ang buhay ko ng hindi siya nakikita dahil nakasanayan ko na.

Nasanay akong lagi siyang nakikita. Nasanay ako na umiikot ang mundo ko sa kanya. Pero hindi parin ako nasasanay na hanggang doon lang ako. Na hanggang doon lamang ang kaya ko. Hinihiling ko sana may magbago. Pero alam kong bawat paghiling ko, walang magbabago. Hindi niya ako mapapansin. Hinding-hindi niya ako magugustuhan.

Nakagat ko ang aking labi nang makaramdam ng matinding kirot sa aking dibdib. Ang sakit pa rin. Kasi alam kong wala akong magagawa.

At hindi ko na mapigilang tumulo ng luha ko habang nakatingin sa litrato niya. Litrato niya habang nasa entablado siya at kumakanta.

Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now