Sulat

825 4 1
                                    

 Nanginginig ang kamay at halos lunurin ng kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. 

 Napatingin ako sa kapirasong papel na may disenyong asul na puso sa pinakabukasan.

 Napakapresentable. 

 Kumirot ang puso ko noong muli kong maaalala ang laman nito. Bakit ko nga ba binasa? Sinarado ko ang locker at nagulat akong katabi ko na pala siya. 

 " Mahal kita, Tina. "  

Muli kong naaalala ko ang sulat. Nasa harapan ko ang nagpadala nito. Kilalang-kilala ko ang tao ito.Nakangiti siya sa akin at saka tumingin sa locker. 

 " Binasa mo ba? " tanong niya na ikinakaba ko pa lalo

Bumundol ang kaba sa puso ko. Kaya't bago pa mahuli ang lahat ay tumalikod na ako. 

 " Alam mong hindi para sayo ang sulat, Fall. Bakit mo binasa? "

Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now