Sana

656 2 2
                                    

" Bagay ba sa akin ito? " nakangisi kong tanong habang hawak ang isang semi-formal dress. Tumango siya sa katanungan ko.

Agad ko itong inikot at sinuri. Kumuha pa ako ng isa pang dress at inilapat sa akin saka ngumiti. Muli siyang tumango habang nakangiti.

" Bes, talaga bang bagay sa akin ito? " tanong ko sa matalik kong kaibigan na lalaki. Bahagya siyang sumandal sa couch kung saan siya nakaupo.

" Maganda ka, siguradong bagay lahat ng damit na susuotin mo. " sagot niya.

" Siguradong matutuwa siya kapag nakita niya akong suot ito." nawala ang ngiti niya sa sinabi ko.

Oo, alam ko. Paulit-ulit ng tumatakbo sa utak ko. Iniisip na sana may lusot. Na sana may magbago. Na sa iyong taong pinag-iikutan ng mundo ko, ako rin ang gusto.

" Bakit hindi pwedeng ako naman? Bakit hindi pwedeng sana ako na lang?" Tanong ko at saka kinagat ang ibaba kong labi. Nanlalabo na ang mga mata dahil sa luhang nagsisimulang mabuo.

" Erin..." saad niya sabay tayo at pumunta sa harapan ko.

"... tandaan mong ikaw pa ang maid of honor noong ikinasal siya. "

Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now