Chapter 23

2.2K 69 2
                                    

Surprise
---------

Sa dami naming ginawa ni Cupid ay tila hindi 'man lang ako naubusan ng lakas. Parang gusto ko ulit ulitin ang mga ginawa namin, nagscuba diving kami kanina, sumakay kami sa banana boat, nagsurfing naman sila Cupid na ikinagulat ko hindi ko alam na bukod pala sa pag rarace nito ay marunong din itong mag surfing, I admit he looks so hot while he's in that board at sinasabayan ang hampas ng alon ng dagat.
"Saan papunta si Greed?"tanong ko ng makitang umalis ang lalaki.

"Maybe he got an emergency from his job. "Kibit-balikat na sagot ni Cupid.

"Ano bang trabaho niya?"

"He's a doctor. Si Hence naman ay isang attorney. At si Ian isang businessman."

Habang kumakain kami ay saglit na umalis muna sila Cupid kasama sila Samuel , naiwan akong kasama si Hence at Ian.

"Paano nga kayo nagkakilala ni Cupid. Because Cupid won't really gonna tell us. "Ngumisi si Hence at tumuwid ng pagkakaupo.

"I agree with Cupid it was really a long story to tell. "She smiled sheepishly. Hence groaned. "Bagay na bagay nga talaga kayo ni Cupid. "Komento pa nito.

"Eira, Hence. Tara na. Puntahan daw natin sila sa Meredith Palace. " tumayo sila Ian at kahit naguguluhan ako ay sumama na din ako sakanila.

Kotse ni Ian ang ginamit namin para makapunta sa sinasabi nilang Meredith Palace, ilang kilometro lang ang layo nito katulad ng sabi ni Cupid. Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong namangha sa ganda ng Meredith Palace, mala palasyo ang lugar at tila mga hari at reyna ang nakatira pero modern version ng palasyo. Kung maganda ang Castrano Radasga ay mas maganda ang Meredith Palace.

"Nasan daw sila?"tanong ni Hence kay Ian.

"Nasa taas. "Tinuro nito ang pinakatuktok ng Meredith Palace.

"Halika na Eira. "Tawag ni Hence ng malapit na sila sa bukana ng palasyo. I smiled at tumakbo palapit sakanila.

"Dalawang palapag lang ito actually tatlo pero ang pangatlong palapag kasi ay rooftop at may 534 na kwarto dito. This is really huge, pero 1 taon lang ito ginawa, kumuha ng mga mahuhusay na architect at engineer, pati mga trabahador para masigurong matatapos ito bago ang kaarawan ni Meredith, at syempre hindi lang ito minadali siniguro din na ang mga materyal na gagamitin ay matibay at hindi basta-basta makakadisgrasya. Nang magbukas ito ay agad na dinumog. " kuwento ni Ian habang nakasakay kami sa elevator.

"Araw-araw hindi nauubusan ng tao dito. "Dagdag pa nito. Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa amin ang mga nakahilerang mga picture frame, iisang babae lang pero iba iba ang lugar ng pinagkuhaan.

"That's Meredith, ang babaeng mahal ng kapatid ko. "Paliwanag ni Ian ng makita na doon ako nakatingin. "Mahilig iyon mag picture at magtravel, isang makulit at pasaway na prinsesa. At ang pinakapaborito niyang lugar ay ang rooftop, o terrace. "

"Ang ganda niya. " komento ko.

Tumango silang dalawa. "That's true. Kaya nga nabaliw ang kapatid ko e. "Natatawang sabi ni Ian.

"Sir Ian. "Nagbow ang babaeng nakasalubong namin.

Tumango lang si Ian. At huminto kami sa napakalaking kulay puting pinto na may mga anghel na nakaukit.

"Are you ready?"tanong ni Ian. Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Tanong ni Hence.

"Ah... friday? "Hindi siguradong sagot ko. Tumango sila at lumawak ang pagkakangiti. "Friday.... "dahan-dahan nitong binukas ang napakalaking pintuan, saglit pa kong nasilaw dahil sa liwanang na nanggagaling sa loob, pakiramdam ko tuloy ay para akong isang prinsesa na ipapakilala sa buong nasasakupan namin.

"Friday the 13th, princess. "

Iminuwestra ni Hence ang kamay niya sa loob. "Mauna kanang pumasok prinsesa. Hinihintay ka na ng knight mo. "He smiled.

Nang hindi ako gumalaw at nanatiling nakatayo ay lumapit saakin si Ian at iginiya ako papasok.

Pagkapasok ko sa loob napatingala ako , bughaw na bughaw ang kulay ng mga ulap, ang gandang pagmasdan, hindi din masiyadong masakit ang sikat ng araw.

"Happy 4th monthsary baby. "Pagbaba ng tingin ko ay nasilayan ko ang mala anghel na mukha ni Cupid. Nakalahad ang kamay nito saakin, nakasuot ito ng kulay puting tuxedo, nawala na sa paningin ko sila Ian at Hence. Lahat ng andito ay formal ang mga suot. Parang engrandeng selebrasyon ang meroon dito sa rooftop, selebrasyon na para sa mga may dugong maharlika.

"A-anong meroon?" Tinanggap ko ang kamay niya at biglang may tumugtog na musika.

"Hindi natin cinelebrare ang 1st, 2nd, 3rd baby because I wanted to celebrate our Monthsary at the exact date and exact day kung kelan naging tayo. "Bulong nito sa tenga ko habang isinasayaw ako. "Its 13, Friday the 13th baby. "

"Bakit ka umiiyak?"bumalatay sa mukha nito ang pag-aalala.

"Nakakainis ka. "

Ang daming tao dito, ang iba ay hindi ko kilala pero nakita ko sa isang gilid sila mommy at sila Lia.

Andito din si Greed na akala ko ay umalis?

"Bumalik siya as soon as nacheck na niya ang patient niya. " sabi ni Cupid na tila nabasa ang nasa isip ko. Tumango ako. "Thank you. "Medyo paos na sabi ko dahil sa pag-iyak.

"Lahat kayo formal ang suot, ako lang ang naiba. Parang out sider lang. "Tampo ko.

"Don't worry baby. Nakahanda na ang susuotin mo. Magbibihis ka mamaya. "Natatawa nitong sabi at hinalikan ang pisngi ko.

"Did you like it?" Tanong nito.

I giggled. "I love it. Pakiramdam ko isa akong prinsesa dahil sa surpresa mo e. "

"But you are, Eira. You will always be my princess. "Marahan nitong sabi.

"And I will always be your knight in shinning armor who will protect you and make you happy. "

"Hindi ba dapat prinsepe kasi prinsesa ako?"

Umiling ito. "Prinsepe lang ba ang puwedeng makatuluyan ng prinsesa?"he grinned.

"I'd change that. Dahil ako ang makakatuluyan mo, Eira. Hindi si Santi na prinsepe mo, ako na si Cupid na knight in shinning armor mo. "He said firmly.

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now