Chapter 16

2.5K 80 0
                                    

Half Sisters
-------

"Hi ate Eira! "

Nagulat ako ng isang masigla at nakangiting babae ang pumasok sa kwarto ko.

Maikli ang buhok niya at kulay itim. "Ah ako nga pala si Cassandra. Andra na lang po. I am the first year student from R-level." She said bubbly. Kumunot ang noo ko at napaisip... the first year student from R-level?

San ko ba narinig 'yon??

"Ako yung nagconfess kay kuya Cupid nung first year palang ako at second year college na siya. "

Nagulat ako bigla sa pagsasalita niya. "Sabi sakin ni kuya Cupid curious ka daw kung sino ako? " she grinned.

"Those issues are not true. Hindi ako nagustuhan ni kuya Cupid na kagaya ng intense feelings. She just like me as his baby sister, lahat sila ganoon ang trato saakin at nagpapasalamat ako dahil dun. " ang kaninang masaya nitong aura ay parang biglang naging malungkot.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pasensya kana sa ginawa ni Ate Hermiosa. "

"Naniniwala kang si Hermiosa ang may gawa nito saakin?"

Tumango siya. "Oo, nakaya niyang gawin saakin na kapatid niya, sayo pa kaya ate Eira? Alam mo lahat ng pakiramdam niyang threat sakanya, sakanilang dalawa ni kuya Cupid ginugusto niyang mawala sa tingin ko obsess na siya at sa lahat ng mga babae iyon ang pinakamahirap. "

"Ate? Ate mo si Hermiosa? "Naguguluhang tanong ko. "Pero hindi ba S-level si Hermiosa at ikaw nasa R-level?"

"Tama yon ate Eira pero half sister ko lang si ate Hermiosa, kapatid ko siya sa ama. Pero namatay si mama kaya naman kinupkop na nila ako. "

"Nakilala ko si kuya Cupid ng tumira ako sa bahay nila Hermiosa. Mabait siya sakin, at palagi akong pinoprotektahan mula kay ate Hermiosa. Tapos isang araw , lakas loob kong hinarang ang grupo nila kuya Cupid at inilahad ang love letters na isang linggo kong pinaghirapan ang mga nakasulat doon. Pero dahil matapang at padalos dalos ako, muntik pa kong mabully kasi si kuya Cupid 'yon isang G-level at gusto ng lahat tapos isang R-level lang ako? Pero nagpapasalamat ako kay kuya Cupid at hindi niya ko nireject sa harap ng lahat ng mga nandoon ng araw na yon, hinila niya ko at dinala sa walang tao pagkatapos doon niya sinabing hindi niya ko gusto na parang nakababatang kapatid lang daw ang nakikita niya, nasaktan ako pero pinarealized saakin ni kuya Cupid na hindi seryoso ang pagkakagusto ko sakanya, na puppy love lang iyon at hindi malalim, naaattract lang ako sakanya kasi palagi niya kong tinutulungan at nililigtas. "

"Kahit na ganoon pagkatapos ng nangyareng 'yon walang nagbago they still treat me like I'm their baby sister. Wala kasi silang mga kapatid na babae, si kuya Cupid isang anak lang, si kuya Samuel wala ding kapatid. Si kuya Troy meron pero lalaki. Si kuya Vince naman may kapatid lalaki din. "

I nodded. "Close na close ka sakanila pero bakit bigla kang nawala sa S.U?"

Malungkot siyang ngumiti. "Ah iyon ba. Dahil sa isang aksidente. "

"Ate Hermiosa pushed me, isang linggo akong tulog at pag ka gising ko sabi ng doctor nabalian ako ng buto sa paa at kailangan kong magpagamot dahil na rin sa issue kaya naisipan kong lumipat sa ibang school. "

"Totoong si Hermiosa ang tumulak sayo? Pero bakit napawalang sala siya? "

"Kapatid ko pa rin siya ate. "

"Atsaka alam kong hindi naman matanggap ni ate Hermiosa na may kapatid siya sa labas. Na nagtaksil ang papa niya sa mama niya. "

"Kaya ate Eira! "Kinuha niya ang kamay ko na ikinabigla ko. "Masaya ako para sainyo ni kuya Cupid. Puwede ba kitang maging ate talaga?" She pouted.

"O-oo naman. "I smiled.

"Thank you!! Atsaka masaya din akong nakilala ka ang babaeng pumana sa puso ni kupido. " then she laughed. Pati tuloy ako ay natawa na.

"Girls?" Pumasok si Cupid. Nakataas ang isang kilay at nakatingin saakin. "Bakit ka tumatawa? Bat ganyan ang tingin mo?"

"You're a bad boy but had a good boy heart." I teased him.

"Tss! CASSANDRA! " he called andra warningly. Andra just giggled at sumiksik saakin. Natawa naman ako.

"Ate Eira save me! " sumbong nito.

"Nagugutom na ko Cupid. " I said. Inilapag nito sa table ang dalang paper bag.

"Kumain kana. Bukas ay madidischarge kana. " inalalayan niya kong makababa sa kama ganoon din si Andra na nasa kaliwang side ko at inaaalalayan ako hanggang makaupo ako sa lamesa.

"Kuya L-lucas?" Narinig kong sambit ni Andra, wala sa sariling napatingin din ako sa pintuan. Andoon si Lucas nakapamulsa.

"Susunduin ko na si Andra. "Sabi nito. Weird? Bakit parang may mali sakanya ngayon?

"She's eating with us. "Seryosong sabi ni Cupid.

"Meron ka ng Eira, Cupid. Akin si Andra. " Lucas said flatly.

Napangisi si Cupid. "Hindi ko inaangkin si Andra."

"Sumabay ka na lang saamin Lucas. "Suhestyon ko.
Napabaling ito saakin.

"Great. Double date. "Bulong saakin ni Cupid at hinalikan ang pisngi ko.

Puwede bang time first muna Cupid? Pinabibilis mo nanaman ang tibok ng pus----

"And before I forgot nailagay ko na sa closet mo ang mga iilang damit ko. I already moved in your house yesterday. " he grinned.

OH MY GOD?! DID I HEARD IT CORRECT? He moved in my house?

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now