Jilliane Xyve's POV
Panaginip lang ba nung ika'y nakilala
Katabi sa klase chikahan ang naging hobby
Panaginip lang ba nung ika'y napatawa
Sa matalik na kaibigan ng hindi namamalayan
Hindi ko inakalang doon pala nagsimula
Love story'ing hindi inaasahan
Sa huli tayo pala
Sa isa't isa..
Nang marinig ko na ang kantang yan ay kinutuban na akong malapit na si Blaire sa akin dahil sya lang naman ang kilala kong mainggay mag-pamusic. Kaya nilibot ng paningin ko ang buong quadrangle at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko kaagad si Blaire hawak hawak ang cellphone nyang tumutugtug.
"Jilliane, na miss kita!!"At katulad ng inaasahan ay napaka hyper ng kaibigan ko.
Mabilis syang lumapit sa akin at matamis na ngumiti at dahil mahal ko yang kaibigan kong yan matamis rin akong ngumiti.
Meet my long time bestfriend, Blaire Nixon ang kasama ko sa lahat ng kalokohang nagawa ko simula ng high school days. Ang kaisa isang babaeng tunay kong kaibigan.At kaisa isang babaeng kilala ko na napaka hyper sa balat ng lupa. Pero kahit ganon mahal na mahal ko yan.
Ng makalapit sya ay mabilis syang yumakap ng napakahigpit kaya wala akong ibang nagawa kundi yumakap rin pabalik.
"Grabe ka naman Blaire, kung makayakap parang isang taon tayong hindi nagkita ah. Napakahigpit!" biro ko at saka kami humiwalay sa yakap.
"Namiss talaga kita Jillianne, Alam mo namang dalawang buwan wala akong kakulutan"
Sa bagay namiss ko rin sya dahil dalawang buwan rin akong nagtiis na ang kasama lang ay ang little brother ko na walang ibang alam nagawin kundi asarin ako.
"Namiss rin kita, eh wala ba naman akong matinong kausap sa bahay kundi ang sutil na kapatid ko" Na sana hindi nalang ipinanganak ng ganun ang ugali!
"At least may kasama ka"
"Kasamang lagi naman akong iniinis!"
Psh! Ewan ko rin ba sa kapatid kong yon napaka sungit walang ibang ginawa kundi asarin, barahin at pagtripan ako kapag lagi kaming magkasama. Naturingan bunso hindi manlang nirerespeto ang ate nya, Aish I hate that kid!
"Tch, Sa totoo lang kabaliktaran mga sinasabi mo sa akin tungkol kay Jacky eh, ang bait bait kaya ng kapatid mo, ang gwapo pa. At tsaka nagkataon lang suguro na wala syang magawa kaya pinagtritripan ka nya" Wow! as in wow! Malamang mabait ang kapatid ko sayo Blaire, dahil lang naman may gusto sya sayo!! Ayan ang gustong gusto kong isigaw sa kanya kaso malilintikan ako dahil ibla-black mail lang naman ako ng magaling kong kapatid sa kalokohang ginagawa ko kila mama at papa!
"Tsk!Ewan ko sayo!" ayun nalang ang nasabi ko at hinila sya papunta sa bago naming classroom "Tara na, baka malate pa tayo. Wala narin gaanong grade 10 dito na ka batch natin"
"Sige, tara" tsaka sabay naming tinahak papuntang classroom.
"Alam mo ba may balita ako"
"Tungkol ba yan sa XBYR"
"Hindi no, hindi to tungkol sa frat natin. Ano kasi narinig ko sila Joyce may nakasabay daw silang nag enroll, transferree" Oh eh ano namang mapapala namin sa transsferee Anong gustong balabasin nito. Isali namin sa frat yung mga baguhan, tsk! Kalokohan!
"Oh tapos, isasali nila sa frat ganon!?" hindi ko mabigilan magtaas ng boses dahil baka nga gustong isali ni Blaire yung mga baguhan sa frat dahil marami ng umalis lalo na nung nakaraang laban. Pero kahit gusto ko ay hindi pwede dahil pwedeng yun rin ang maging dahilan para malaman nilang ako, Si Jilliane Xyve anak ng may ari ng school na ito, ay syang lider ng pinakamalaking frat dito sa campus, ang XBYR.
YOU ARE READING
That so cold boy
Teen FictionOur Love Never Last Forever.... "Isang kasabihang ang hirap paniwalan, ang hirap panindigan at ang hirap gampanan lalo na't pag sinibok talaga kayo ng kapalaran" - Jillianne
