"Hmm..." ani Calvin, kasabay nang paghaplos niya sa pisngi ko. "You're such a brave girl, Verra. And I am so proud of you."

Umalpas ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Tila pa may humaplos sa puso ko na naging mitsa para mag-umapaw ang damdamin ko. Naiiyak ako sa reyalisasyong nandito siya para sa akin, para iparamdam sa akin ang lahat ng ito.

Napapatanong ako kung deserve ko ba ito? O kung hanggang kailan naman kaya ito magtatagal sa akin? Kung may katapusan man ay sana pwede pang mabago, sana ay may extension pa.

"Thank you," buntong hininga ko. "For staying with me, for making me feel at peace. Thank you, Calvin."

Tuluyan ko na siyang tiningnan. Mabilis na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Tumitig kami sa isa't-isa habang ang mga labi ay naroon nakaukit ang mumunting ngiti.

"You're always welcome, Verra. If ever man na bibigyan mo ako ng chance, sabihan mo ako, pakakasalan kita kaagad."

Napanguso ako, pinipigil na huwag tumawa. Bahagya ko pa siyang itinulak sa kaniyang balikat para mas matitigan siya nang maayos. Yumuko ako para dungawin siya. Samantala ay nakaabang lang siya sa kung ano man ang sunod kong gagawin.

"All right, noted, Cop. Frias," nangingiti kong wika dahilan para matawa siya.

"Drop the formality. You can just call me ‘baby’ or ‘mahal’," sambit niya kaya tuluyan na rin akong tumawa.

Hinampas ko pa ito sa kaniyang dibdib.

"Ang corny."

Ngumisi si Calvin. Hindi na siya nagsalita at nakuntento na lamang sa paninitig sa akin. Abala rin niyang inaayos ang buhok ko, panay ang hawi niya sa ilang takas mula sa magkabilaan kong balikat.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Sa ginagawa ni Calvin at sa pagiging abala niya ay saglit akong nagbaba ng tingin sa kaniyang labi. Babagya iyong nakaawang. At kahit medyo madilim ay kitang-kita ko ang pagkapula no'n.

Kahit sa tingin pa lang ay malalaman mo ng malambot iyon. Sino bang mag-aakala na nahalikan na ako ng labing 'yan? Isa ako sa magpapatunay kung gaano iyan kasarap, kalambot at kagaling humalik.

Sa mga naiisip ko ay bulgar na bumagsak ang panga ko. Lihim akong napalunok. Nang mag-angat pa ng tingin kay Calvin ay nakita kong nakamasid ito. Nanlaki ang mga mata ko nang matantong naabutan niya ang pagpapantasya ko sa labi niya.

Gumalaw ako para lumayo sa kaniya ngunit maagap niya akong ikinulong sa dalawang braso niya, tipong ayaw nang pakawalan pa. Yakap-yakap na niya ako kung kaya ay halos maghingalo ako.

Malakas na tumatambol ang puso ko at hindi ko malaman kung paano pa ako aakto sa harapan niya. Lumikot ang mga mata ko, pero madali lang niya iyong nahuli nang hawakan nito ang magkabilaan kong pisngi.

"If you want to kiss me, Verra, go ahead. Hindi kita pipigilan. Kahit magdamag mo pa akong halikan, hindi ako magrereklamo," malamyos niyang sinabi habang kitang-kita ko ang multo ng ngiti sa labi niya.

"Hindi—"

Kaagad na naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang wala na ring pakundangan na inilapit niya ang sariling mukha sa akin. Para bang siya na mismo ang naghahain ng sarili niya sa akin.

Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Tumagal iyon ng gano'n, tila ba pinakikiramdaman muna niya kung papalag ako ngunit nang wala naman akong reaksyon bukod sa gulat ay nagpatuloy siya.

Bumagsak ang mga kamay ko sa suot niyang polo. Humigpit ang pagkakakapit ko roon nang mas lumalim ang paghalik niya sa akin. Gumagalaw ang kaniyang sa labi sa ritmong kaya ko pang suklian.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now