Ngumiti ka, ngumiti ako pabalik
Hindi pala para sa akin iyon
Nadaanan lang ako
Kasi nasa likod ko siya, siya na gusto mo.
Tumawa ka, natawa din ako
Pero ang totoo
Hindi naman nakakatawa ang kwento mo
Tumatawa ako kasi
Ikaw ang kasama ko, ikaw ang nagkukwento.
Hanggang kailan
Ako magpapanggap na ikaw ay akin?
At hanggang kailan
Ikaw aasta, na ako ay gusto mo din?
Dahil hindi na maganda ang larong ito
Ayaw na ng puso ko
Na ngumanga, mangapa at umasa
Dahil kung ako ang gusto mo, sana ay sabihin na
Kung hindi naman sana ay itigil na
Dahil sa laro mo ako'y aminadong talunan
Sapagkat ang puso ko ay nakuha mo na.
*****
Echus!
Ma-update lang ang collection na ito at madagdagan ang mababasa ng readers ko. Kamsahamnida sa inyong lahat at laging nasa list ang compilation na ito, for some reason. ^____^
