Hiling

1.1K 41 37
                                        

Hiling ng isip ko'y sana'y pakinggan
Maging pangarap kaya o katotohanan
Siya kaya'y maging akin
O mananatiling abot-tingin na lamang.

Hiling ng puso ko'y magkaroon kaya ng katuparan
Gayong sa iba, puso niya'y nakatali na
Dumating kaya ang araw na siya ay lumaya
At sa kanyang paglipad ako naman ang kasama.

Hiling sa bulalakaw kapag ito ay nahulog
O kaya sa bituing sa langit ay hindi maabot
Kung makakahanap, gagawin ko din sa balon
Basta itong hiling ay magkatotoo ngayon.

SnippetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon