Salamin

487 24 13
                                        


Repleksiyon niya'y todo ngiti
Kahit na ngipin niya'y sungki-sungki
Ibang klase din itong salamin
Basag na ay nakasabit pa din

Repleksiyon niya'y umiiyak
Pero nasaan ang luha?
Kaliwa't kanang pahid man ang ginawa
Mukha at palad ay hindi nababasa.

Salamin, salamin ikaw ay umamin
Sana si Napoles ay huwag gayahin
Iyong pinapakita, sana'y may katotohanan pa rin
Upang ang humarap sa iyo ay maliwanagan din.

******

Binasa mo? Salamuch! 

SnippetsWhere stories live. Discover now