Sa isip ko'y bumabagabag
Ano nga bang dapat isulat?
Kung aking magawa'y
May magsasayang ba ng oras?
Tingin sa paligid, sa pagbabakasakali
Na may makita't magsilbing mitsi
Ng ideyang matino
At inspirasyong maibabahagi
Ngunit kahit anong gawin
Sa papel at ballpen, blanko ang tingin
Kaya naman sa'yong narito, bumabasa't nakatingin
Salamat at sorry, ito lang ang nagawang likhain.
