Bata pa lamang ika'y akin nang pinangarap
Mula sa malayo, tiningala't inasam
Na balang araw ay akin ding mahahawakan
At sa mata ng lahat ay aking makakamtan.
Hinawan ang masukal na daan
Nagpatuloy kahit malabo ang laban
Sa kabila ng hirap ako'y hindi lumuhod
Ginawa ang lahat upang ika'y maabot.
Ako'y 'di nabigo, isang araw ika'y akin ding naabot
Sa gitna ng entablado'y pinalakpakan ng lahat
Kabado man ang dibdib, ika'y hindi binitawan
Inisip na magtatagal hanggang kailan pa man.
Ngunit panahon ay sadyang hiram lang
Oras ay tumakbo, mabilis na nabagot kaya nagbago
Ika'y unti-unting humulagpos sa'king mga kamay
Kanilang kinuha, pilit na tinangay.
Ngayon sa isang sulok, ika'y aking pinagmamasdan
Kasama ang iba pang minsan ika'y nakamtan
Binabalik tanaw na lamang ang nakaraan
Sapagkat ika'y ngayo'y nasa iba ng kamay.
Tag by @Lena0209 Nahirapan ako..haha! Thank you! Talaga namang challenge.
Dadamayin ko sina:
@mysterious_aries - kidlat
@misumei -ulan
