Isang araw sa kanyang paglalakbay
Siya'y napadpad sa mundo ng wattpad
Unang tingin niya'y 'ano ba'ng merun dito?'
Kaya ang sabi niya 'Hello Wattpad! Andito na ako.'
Basa dito, basa doon
Click dito, click doon
I-stalk ang author kapag may tyempo
Update ng status niya, kapag ginusto.
Gawa ng Reading List dahil kailangan
May favorites, on going at spg pang nalalaman
upang ang mga binabasa niya
ay masubaybayan.
Mundo ng wattpad ay sadyang napakalawak
Sari-saring kwento, iba-ibang istorya
Kung iisa-isahin niya, nakakasira ng mata.
Kaya sinunod niya na lamang ang sariling genre.
