CHAPTER 17: Blush

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung sino pa ang mga kasapi nila. May mga ilang traydor din sa kasapi natin kaya pinatapos ko na sila. Walang lugar ang mga traydor sa pamilyang ito. Kaya kailangan nating mag ingat.

Kaya Amira ’wag kang magtitiwala sa kung sino sino. Hindi mo nalalaman na unti unti ka na pala nilang sinasaksak sa likod. Kaya hangga’t maaari, itago mo ang pagkatao mo.

Everytime na pumupunta ako sa University ay nagsusuot ako ng mask dahil kailangan nga nating mag ingat. So it means hindi pa nila nakikita ang mukha ko maliban na lang sa mga gangsters group at syempre sa inyo." Sabi ni lolo. Oo nga pala, nakita na ng mga gangsters ang mukha ni lolo.

"At lahat ng estudyante doon ay si Cath ang alam na apo ng may ari ng University. Mater JM ang tawag ng lahat sa ’kin doon. Hindi nila alam ang fullname ko, ang alam nila na last name ko ay Sarmiento dahil ’yon ang gamit ni Cath. Hindi De Villa at hindi rin  Salvador, kundi Sarmiento." dagdag pa ni lolo.

Napatingin ako kay Cath.

"Sarmiento? Sabi mo Cath Salvador ang gamit mo?"

"Naniwala ka naman?"

"Any questions?" tanong ni dad.

"Uhm.. about Young Lady." Sabi ko.

"Young Lady? Uhm.. teka.. pano ba ’to?" mahinang sabi ni dad na tila nag iisip.

"Since we are one of the wealthiest family and we’re from Mafias family. They respect us as a powerful. Your lolo is the Master, your mom and I is the Queen and King. So since you both are our son and daughter..." turo ni dad sa amin ni kuya Mike "Of course Mike is the Young Master and you are the Young Lady, Isn’t nice, right?" sabi ni dad habang nakangiti.

So kaya pala Master ang tawag nila kay lolo at young master naman kay kuya Mike. Eh ba’t ma’am and sir lang ang tawag nila kay mom and dad at hindi queen and King? Maybe gano’n lang talaga. Haay, Ba’t gano’n? I’m still confused. Ang gulo nila.

**End of Flashback**

Hinilot hilot ko ang sintido ko dahil kumikirot na naman kakaisip ko ng kung ano ano.

Ang dami kasi talagang bumabagabag sa isipan ko.

Isa pa ’yang mga Cliffton na ’yan. Kumuha na nga lang ako ng private investigator ko para mapadali ang investigation about sa kanila.

Nga pala, Sunday ngayon. Nasa dorm ’yong dalawa. Busy sila. So lumabas na muna ako para maglibot libot. Bored kasi eh.

Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wristwatch ko, 3:40pm na pala.

Inilibot ko na lang ang paningin ko dito sa iniversity.

Ang laki pala talaga nito. Hindi ko pa rin lubos maisip na si lolo ang may ari nito. Kaya pala hindi nila ako pinapayagan na mag aral dito dahil siguro nag aalala sila sa akin.

Dinala ako ng mga paa ko sa fountain. Ba’t kaya sobrang ganda ng fountain na ito? Saan naman kaya nakuha ni lolo ang ideyang ito? Ang ganda ng style. Sobra.

"Buti hindi natutunaw ’yan."

Napatingin ako sa kanan ko nang may marinig akong isang familiar na boses. At tama nga ang hinala ko. Ano namang ginagawa ng lalaking ito dito? Huwag mong sabihing eepal na naman.

"Bakit naman ’yan matutunaw? Ice cream ba ’yan? Yelo ba ’yan? Hindi naman ’di ba?" Sarkastikong sabi ko sabay irap sa kaniya na nakatingin ngayon sa fountain.

"Oo nga pala, bakit nga ba matutunaw ang isang bagay na tunaw na."

Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now