Chapter 1

15 0 0
                                    

First day

Excited na akong pumasok sa school. Ewan ko ba? Bigla nalang akong sinipag eh. Ang aga ko din nagising ngayon. Wala, share ko lang. Masama mag share?

Minsan lang ako sipagin kaya matuwa na kayo hahaha.

Ang ayoko lang naman sa school ay yung mga magjojowang nakakaumay! Oo. Yung sobra kung magpa sweet.

Yung akala mo sa kanilang dalawa lang yung mundo at walang pakealam sa ibang tao.

Diyan ako naiinis.

Atsaka hello?! School yun hindi park or mall. Tsk. Asar niyo ko ah. Pasensya na kayo at lumalabas nanaman ang pagka bitter ng ateng ninyo.

Dumiretso na ako ng banyo at naligo habang nagpapatugtog ng what is love.

Habang nasa loob ng cr ay kumakanta ako. Aba hindi niyo ata naitatanong, singer kaya ako!

Kaso next time ko nalang kayo kakantahan at baka umulan. Ang ganda pa naman ng panahon at ayokong sirain yon.

Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform. Nag medyas, suklay, pabango at PAK! Okay na ang ateng ninyo. Mukha na akong taong tignan.

Kumain na ako ng almusal at paborito ko ang niluto ni mama. B-A-C-O-N! Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako sa aking mudra na ako ay aalis na.

"Ma, alis na po ako" sabi ko kay mama nung makita kong nagwawalis siya.

"Oh sige sige anak at baka ma-late ka pa" aniya

Huminto sa pagwawalis si mama nang makita niyang hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.

May hinihintay kasi ako galing sa kanya na hindi niya pa naibibigay.

"Oh akala ko b–"

"Wala pa po akong baon" agad kong sabi kaya naputol agad ang sasabihin niya.

Inabot niya sakin ang pera at natatawa akong lumabas ng bahay at sumakay na ng tricycle.

"Kuya sa Halcolm po" sabi ko kay manong.

"Sige ija. Ilang taon ka na?" Tanong ni kuya manong.

"17 po" maikli kong sagot.

"Ahh. Matanda pala sayo ng dalawang taon ang apo ko" sabi nito.

May sinabi pa si manong kaso hindi ko na naintindihan dahil sa ingay ng sasakyan.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako ng school. Nagpaalam na ako kay manong at ngumiti lang siya.

"Hi Janna!" Bati sa akin ni Bryle habang hawak hawak ang bola.

"Oy hello!"  Bati ko pabalik

"Anong section ka?" Tanong nito.

"1st pilot" maikli kong sagot at nagpaalam na sa kanya dahil panigurado ay hinihintay na ako ng dalawa.

Nagmadali na akong maglakad dahil umay na umay ako sa mga taong nadadaanan ko.

Muntikan na akong mabulag sa mga nakikita ko. Sobrang sakit sa mata!

Sa susunod ay magsasalamin na ako. Yun sobrang labo para hindi makita ka-corny-han ng mga magjojowa dito.

Laking pasasalamat ko nang makarating na ako sa aming room. At hindi ako nabulag. YES!

Agas akong kinawayan nila Trixie at Lea kaya nagtungo na ako sa tabi nila para maupo.

Bitter to Sweetजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें