Chapter 2

1 0 0
                                    

My brother

Dumiretso agad ako sa sala para maupo muna saglit at tinanggal ko na ang aking sapatos. Umalingasaw ang mabango kong paa matapos tanggalin ang aking medyas.

Wag kayong judgemental hindi niyo pa naman naaamoy (-_-)

Umakyat na din ako sa kwarto ko at nagbihis. Sumilip naman ako sa kwarto nila mama at nadatnan kong natutulog siya ng mahimbing at halatang pagod.

Ang papa ko naman ay nagtatrabaho sa maynila at minsanan lang kung umuwi dito.

Yung kuya ko? Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Malamang ay kasama ang mga barkada niya o di kaya ay nambababae nanaman.

Nahiga nalang ako sa kama at naglaro ng zombie tzunami. Iniisip ko kung ano bang mangyayari bukas. At kung anong mangyayari pag nakasalubong ko siya. Parang ayoko na tuloy pumasok hays. Kainis naman kasi eh!

Nakailang ulit ako sa paglalaro ng Zombie Tzunami at nakaramdam ako ng pagka gutom. Parang gusto kong kainin yung crush ko. Joke lang! Mababait tayo dito, okay? Hahahaha.

Bumaba ako at naghanap nalang ng makaka kain. Food is layf eh hahaha. Naupo nalang ako sa sofa at nanuod ng tv habang kumakain. Wala namang assignments kaya ayon nood nalang. Hindi naman ako makapanood ng anime dahil mabagal ang net ngayon hays. Di ko na natapos yung black clover. Ganda pa naman.

Mahilig ako sa anime at kpop. Ano? Wag niyo ko ibash dahil mahilig ako sa kpop! Sipain ko kayo eh. Pag ako nakapunta ng Korea wala kayong pasalubong sige (-_-)

Biglang bumukas ang aming pintuan at nagulat akong si kuya yon at may kasamang babae.

*take note* iba nanaman yung babaeng kasama niya.

Papalit palit siya ng babae at iyon ang kinaiinis ko. Well, kuya ko pa rin naman siya kaya bahala siya. Mas matanda siya sakin pero isipin naman niya yung mga bababaeng nasasaktan niya.
Mas matanda siya sakin pero bakit hindi niya ata alam kung ano ang tama at mali?

Isa rin si kuya sa dahilan kung bakit hindi na ako naniniwala na meron pang lalaking nakukuntento sa isa. Mabait naman si kuya e. Tagapagtanggol ko nga yan pag may umaaway sa akin. Ang ayoko lang sa kanya ay ang pagiging playboy niya.

Naaalala ko yung isa sa ex gf niya nung iniwan niya. Ako yung tinakbuhan. At iyak siya ng iyak sa kin. Pinakiusapan niya ko na kausapin ko si kuya para sa kanya dahil hindi niya daw kaya mawala si kuya sa buhay niya.

Pero wala naman akong nagawa e. Kinausap ko si kuya noon pero di niya ko pinakinggan. Ilang araw lang ang nakalipas at may bago nanaman siya. Naka ilang gf na yan e. At walang nagtatagal. Minsan 1 week lang. Ang matagal ata ay 3 months.

Oo aminado ako na gwapo si kuya. Habulin siya ng girls. Ang maganda naman sa kanya ay wala siyang bisyo kaso nga lang babaero.

"Bunso asan si mama?" Tanong ni kuya

"Nasa taas. Natutulog." Tipid kong sagot.

Pinaupo ni kuya yung babae at umakyat siya. Awkward nanaman. Tss. Tinignan ko si Ate at maganda siya, maputi, makinis. Gf material. Bumaling na ulit ako sa tv at nanood.

"Ahm. Ilang taon ka na?" Tanong ni ate na ikinagulat ko.

"17 po ate" sabi ko sabay ngiti

"Ahh saan ka nagaaral?"

"Sa Halcolm University po" sabi ko

"Doon din nagaaral kapatid ko e" sagot niya

"Ano pong name?" Tanong ko

"Arjon Guiterrez" sagot niya

Pagkasabi niya non ay agad nanlaki ang mata ko. Alam kong malaki na mata ko pero mas lumaki pa ngayon dahil sa nalaman ko na ang girlfriend ni kuya ngayon ay kapatid ng taong nanloko sa akin.

Bitter to SweetWhere stories live. Discover now